Nakasimangot ako habang sinusulat ang panibagong yugto ng aking istorya. Paminsan-minsan ay napapalingon ako sa kaibigan kong babae at sa seatmate ko. Nice! Ang saya naman nilang dalawa. Ano kayang pinag-uusapan nila?
"Uy, okay ka lang?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses ng marinig ko ang tanong na yan. Yung bakla ko palang kaibigan.
"Haha. Oo naman, bakit ba?" pilit ang tawang sagot ko sa kanya.
"Nakabusangot kasi mukha mo. Nagsusulat kana naman, no?" wika niya.
Tumango ako bilang tugon. "Sandali lang ha. Ipagpapatuloy ko lang yung sinusulat ko. Hehe." saad ko at pinagpatuloy na nga ang pagsusulat.
ZACH
"Good morning!" masayang bati ko kay Melody pagkalabas na pagkalabas niya sa apartment na tinutuluyan niya.
"Oh? Same." walang gana niyang tugon sa akin.
Same? Nice greetings. Hindi ko nalang pinansin ang pagbati niya at sumabay nalang sa kanyang maglakad. Oo nga pala, friday na ngayon at hindi ko alam kung naaalala pa ba ng isang 'to ang tungkol sa usapan namin sa linggo.
"Melody, naaalala mo pa ba yung usapan na'tin? Yung gagawin na'tin sa linggo?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kasabay niya.
"Ha? What?" tanong niya din sa akin. Tsk! Hindi na naman siya nakikinig sa akin.
"A, sabi ko kung naaalala mo pa ba yung usapan natin sa linggo?" pag-uulit ko sa tanong ko kanina sa kanya.
"Ha? Ano bang mayroon sa linggo?" tanong niya.
Napabuntong hininga ako dahil sa naging sagot niya. Sinasabi ko na nga ba. Parang kahapon ko pa nga lang sinabi ang bagay na yun sa kanya, nakalimutan niya na agad. Tsk!
"Oh? That. Yeah. I think I remember now." dugtong niya pa.
"Really? Naalala mo ba talaga?" bulong ko. Pero, mukhang narinig niya ko dahil bigla siyang napalingon sa akin. Hala? Wala naman sigurong masama sa sinabi ko, hindi ba?
"What?" walang emosyon niya pang tanong.
"A, wala. Sabi ko nasa school na tayo. Hahaha." palusot ko sa kanya.
Well, totoo naman na nasa school na kami. Ang pinagkaiba nga lang, hindi yun yung sinabi ko kanina. Buti na nga lang at hindi niya ko narinig kanina.
Katulad ng una naming pagsasabay pumasok, pinagtitinginan na kami, sa gate pa lang ng mga ka- schoolmate namin ni Melody. Pero, mukhang mas marami yata ngayon ang sumasalubong sa amin.
Tsk! Kahit saang school na napasukan ko, big deal talaga sa tuwing may nangyayaring kakaiba sa buhay ko. Siyempre, ganon din sa dalawa ko pang kaibigan. Hindi ko nga alam, baka minsan ay may kumukuha pa ng litrato sa amin ng palihim. Tsk!
Napalingon ako sa gawi ni Melody ng marinig ko ang pagbuntong hininga niya. Oo nga pala, si Melody ang klase ng taong ayaw sa maraming tao. Mas gusto niya lagi ang mag-isa, pero sa ngayon... I feel sorry to her. Kung hindi dahil sa akin ay hindi din siya mapapansin ng maraming tao. Huminto ako sa paglalakad.
"Melody, hindi muna ako papasok sa first subject. Pakisabi nalang sa mga kaibigan ko!" sigaw ko sa kanya.
Napahinto din siya sa paglalakad at napalingon sa akin at saka tumango. Nag-wave ako sa kanya at tumakbo palabas ng school. I have something to buy right now at sana magustuhan niya yun.
Melody's POV.
Naglakad ako patungo sa classroom ng mag-isa. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi mapabuntong hininga. Buti naman at wala na din ang makulit na lalaking yun. He really pissed me off. He always follow me around and this is all happened when I agree to his stupid deal. Well, pumayag lang naman ako dahil may gusto lang akong subukan. I wants to feel alive again. Hindi ko alam kung bakit kahit anong gawin ko ay wala akong maramdamang kahit anong emosyon sa kahit anong bagay o ano mang pangyayari sa akin.
Nangyari kasi ang lahat ng ito noong niloko ako ng nag-iisang babaeng kaibigan ko at first boyfriend ko. I don't know why... Back to reality, mga ilang hakbang ko nalang sana patungo sa classroom ng may biglang magtakip ng panyo sa ilong ko. Pagkatapos ay unti-unti na kong nawalan ng malay.
••••
Nagising ako dahil sa tubig na malamig na binuhos sa mukha ko. Nang imulat ko ang aking mata, bumungad sa akin ang mga unfamiliar faces ng mga kababaihan. Napatingin ako sa dalawang paa at kamay kong nakatali ngayon sa isang upuang inuupuan ko. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Sa tingin ko ay nasa isang lumang classroom ako ngayon. Pero, sino ba 'tong mga 'to?
"Hello, ms. Melody Scarlet Canister. Nice nap. Hahaha." saad ng isa sa mga babae at sa tingin ko, hindi siya ang pinaka pinuno sa kanila.
Sinubukan kong kalagin ang pagkakatali sa kamay ko, ngunit masiyadong mahigpit ang pagkakatali nila dito. "Haha. Can't loose the tie? Too bad. You know? We can help you to untie yourself, but we have one condition to you."
This time, sa tingin ko yung pinuno na nila yung nagsalita. Walang emosyon lang akong tumitig sa kanya at hindi siya sinagot. Ngumiti siya sa akin at muling nagwika.
"Alam kong transferee ka lang sa school na 'to. Kaya ngayon palang ay sasabihin ko ang number one rule. Bawal makipag relasyon sa kahit isang prince sa school na 'to." saad niya pa.
Lumapit siya sa akin at hinila ang buhok ko ng malakas. Ganunpaman, wala pa din akong maramdamang kahit ano.
"Naiinitindihan mo ba ang nais kong iparating? Bawal kang makipag-relasyon kay Zach! Naiinitindihan mo?!" sigaw pa ng pinuno sa akin.
Hindi ko alam kung anong oras na ngayon, pero ang ayoko sa lahat ay yung uma-absent ako sa klase ulit. Kaya naman kahit anong sikip ang pagkakatali nila sa kamay ko ay pinilit ko pa din itong kalagin. Ginalaw ko ng husto ang mga kamay ko para matanggal ang pagkakatali sa aking mga kamay. Mga ilang minutong lumipas na daldal ng daldal sa akin yung mga babae, pero hindi ko sila inintindi para maka focus ako sa pagtanggal ng tali. Maya-maya ay natanggal ko nga ito. Isa-isa kong binilang yung mga babae na nandito habang nagkukunwaring nakatali pa din yung kamay ko. Masiyado silang madami, pero bahala na!
Sinuntok ko bigla ng malakas yung pinaka pinuno nila. Nang natuon ang atensyon nila sa babaeng yun, agad ko namang kinalagan ang tali sa aking paa. Pagkatapos ay tumayo ako at sinuntok ang bawat babaeng madaanan ko patungo sa pintuan. Agad ko itong nabuksan dahil mukhang mga bobo yata ang mga babaeng 'to. Ewan ko kung bakit, pero nanghihina akong lumabas ng lumang classroom at bago tuluyang umalis ay nagwika ako. "It's not wrong to try and give your best to someone you love. But, it's not right to force someone to love you back. Because, in the end, you will end up hurting yourselves." saad ko.
Nagulat ako ng makitang gulat na nasa harap ko na si Zach. Pero, mas lalo akong nagulat ng bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako.