PROLOGUE

241 Words
Habang nagsasalita ang teacher ko sa unahan, nagsusulat naman ako ng storya sa notebook ko. Pero bago yun, nag-isip muna ako ng pamagat para sa storya na susulatin ko ngayon. Hmmm... "Ano yang ginagawa mo?" tanong ng kaklase ko sa'kin. Actually, hindi lang naman siya basta kaklase lang sa buhay ko eh. Tinago ko kaagad ang notebook para hindi niya makita. "Tears of promise." Napatakip ako sa aking bibig nang marealize ang sinagot ko. Baliw ka talaga, Ice! "Huh?" napapakunot noo niyang tanong dahil sa naging sagot ko kanina. "Ah, wala yun. Haha." sagot ko. Tumango siya kahit medyo hindi satisfied ang mukha niya sa naging sagot ko. Pagkatapos ay tinuon niya na ulit ang atensyon niya sa harapan. Ako naman, nagpatuloy nalang sa pagsusulat. My prison heart? Hmmm... Yun nalang siguro kaysa sa 'When your gone' na masyadong common. Pagkatapos makaisip ng tittle ay pinikit ko ang aking mga mata. Unti-unti kong pinasok ang sarili ko sa mundo ng storyang gagawin ko at saka nagsulat na para sa panimula ng storya. Kapag nainlove ka, asahan mong masasaktan ka talaga. Sabi nga nila, lahat ng sobrang ginagawa ay nakakasama. Kaya kapag sobra kanang nasasaktan, itigil mo na. Because the pain is the main reason why do people change and stop loving. Nagmahal, nasaktan, iniwan at hindi nakalimutan. Paano nga ba tayo mabubuhay sa kasalukuyan, kung paulit-ulit nating ikinukulong ang alaala ng nakaraan? This is my worst battle between mind and heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD