CHAPTER 16

1257 Words
"kesa naman sayo mukhang coloring book ang mukha!" Rinig kong sigaw galing sa loob ng Room namin. Dali-dali akong tumakbo ron at tama nga ang hinala ko, may nag-aaway habang ang mga kaklase ko, nanonood lang. "Ay, payag ka non? Coloring book daw ang mukha mo? Kung ako yun hindi!" Singit ko sa pagitan ng pag-aaway nila. Nagsitinganan sakin ang mga kaklase ko na parang sinasabing 'wag ka ng dumagdag!' Tumingin sa'kin si Girl number 1 at tumingin naman kay Girl number 2 na syang kaaway nya. "Kesa naman sayo na parang asong habol ng habol sa boyfriend ko! Ang kapal ng mukha mo!" Gigil na sabi nya. "Ay, payag ka non? Parang aso ka raw?" Lumapit ako sakanya at bahagya syang hinawakan sa braso. "Kung ako yon, hindi ako payag kasi ang panget ng aso!" Pangungunsinti ko pa. Mabilisan nyang inalis ang kamay ko. "Ah, ganon! Aso pala ah!" At sumugod na sya kay Girl number 1. Nagsasambunutan sila habang andaming sinasabi. Yung mga kaklase ko ay hindi alam kung sino at pano aawatin yung dalawang haliparot sa harapan. "Oppsie, wala ako dyan, ah?" Sabi ko pa habang pinagmamasdan silang dalawa. "Ting, ting,ting, ting! Round 1!" Sigaw ko. Nakita ko namang naglagay ng dalawang panyo sa magkabilang gilid ang lalake kong kaklase at naghulog ng barya barya. "O, sino kampi kay player number 1 dyan, oh? Hulog na! Sa kabilang banda naman sa player number 2!" Sigaw nya. Agad namang nagsihulugan ang mga kaklase ko ng mga barya barya. Aba! Pinakakitaan pa ah! Tuloy, alam ko na ang target ko. Nabigla ako ng bigla silang nagsi-upuan sa mga sari-sarili nilang upuan. Huli na ng mapagtanto ko nung pumasok si Sir sa room. "Anong kaguluhan 'to!?" Galit na tanong nya. Agad namang nagsitinganan sakin ang mga kaklase ko. "Ba't ako? Ba't sakin kayo nakatingin? Ako ba ang nakikipag sabunutan?" Tanong ko sakanila. Nakita ko sa gilid si Dean na kakarating lang na nakakunot ang noo. Malamang, nagtataka kung anong nangyayare. "Follow me to my office room." Sabi nya sa'min. Sumunod yung tatlo pero nanatili ako sa kinatatayuan ko. Humarap ito sa'kin at itinaas ang isang kilay nya. "Ano pang inaantay mo? Pasko?" Sabi nya sa sarcastic na boses. Napa-rolled eyes ako. "Ito na nga e," sabi ko at pinulot yung mga barya barya sa panyo na pinaghulugan ng mga kaklase ko. Narinig kong 'di sila sumasang-ayon sa ginawa ko pero bahala sila! Ako sinisi nila tsaka ako naman ang dahilan 'di ba? Kaya nararapat 'to para sa'kin. Nang tumayo ako, humarap ako sakanila at inilibas ang dila ko., "Blee!" Sabi ko pa sakanila bago tuluyang lumabas ng classroom. "Anong ginawa mo?" Mahinang tanong ni Dean ng magkasalubong kasi sa pintuan. Inilapat ko ang isa kong daliri sa labi ko. "Shh, mahabang kwento," mahinang sagot ko sakanya. Napailing na lamang ito sa'ka ngumisi. "Paniguradong kalokohan nanaman." Mahinang sabi nya. "Selene!" "Oo na nga, ito nga po, sir." Sagot ko at nagmamaktol na sumunod patungo sa opisina nya. "Someone explain what really happened." Utos ni Keflin ng makarating kami sa Opisina nya. Anlamig pala dito. Kasing lamig ng convo nyo. Ay, char. Pero bawi naman kasi may isa pang hot professor ang andito. Si Sir miller na nasa kabilang table at mukhang busy sa ginagawa nya. "Kasi Sir, yang babaeng yan," sabi nya at dinuro pa si Girl number 2 ang kapal ng mukha at boyfriend ko pa ang nilandi! Wala ka na bang ibang makitang lalake at boyfriend ko pa!? Ang kapal ng mukha mo!" "First of all, correction, Boyfriend natin hindi boyfriend mo lang wag kang selfish." Kalmadong sagot ni Girl number 2. Bumaling sya kay keflin since pare-pareho kaming nakaupo at si Keflin iyong nasa harapan na parang judge. "Hindi ko ho talaga intensyon na agawin o landiin yung boyfriend nya. Hindi ko nga po alam na may Girlfriend na po sya e. Nung nakaraang tatlong buwan pa po kasi nangungulit," sagot nya at bumaling kay girl number 2. "Yes, you heard it right. 3 months, ghorl! At kung mahal ka talagang ng Boyfriend mong mukhang aso, Hindi yan manlalandi ng iba!" "T-three months, At pumatol ka naman?" Nauutal na tanong ni Girl number 1 na para bang 'di makapaniwala. Mukha na rin syang iiyak Napa-rolled eyes si G2. "Tulad ng sabi ko, nangungulit nga kaya pinatulan ko nalang. As if naman ako lang ang babae non." "Anong ibig mong sabihin?" "Ang ibig kong sabihin, hindi lang ako ang babae nun. Meron pa." Sagot nya. Meron pa? Hanep naman yan! Petmalu at lodi. Pero ano kaya? "Gwapo ba?" Nagtatakang tanong ko dito. Napatingin ito sa itaas. "Hmm, may itsura e." Nagkibit-balikat sya. "Kaya 'di na 'ko magtataka kung ako lang ang babae nun. Mukha rin naman syang 'di seryoso." Parehas kaming napabaling kay G1 ng marinig namin syang napahagulgol. "Oh, ba't ka naman naiyak? Hindi ka naman siguro namatayan 'di ba?" Sarcastic na tanong ni G2 habang nakataas pa yung isang kilay nya. Narinig naming tumikhim si Keflin. "Okay, that's enough." Tumingin sya kay G1 at bahagyang inayos ang pagkakaupo. "Ilang taon na kayong magkasama?" Nagtaas ng tingin si G1. "Mag fo-four years na po," Grave! Tagal na pala! Bale, nung naging kami at nagbreak kami ni keflin, sila parin. Wow! Pero kaso mukhang manloloko naman yung lalake e. Parang version 2 ni keflin ganon. Siguro ang pinagkaiba lang ay si Keflin ay unggoy tas yung isa naman ay Aso. "Sa loob ng four years wala ka man lang napansin na something sa relationship nyo? Like ako kasi, naging cold sya then narinig ko nalang sa kaklase ko na may iba na pala sya. Ang kapal pa nga maglandian sa loob ng kotse nya e. So how 'bout you?" Tanong ko rito. Kita ko ang biglaang pagbaling ni keflin sa'kin pati na rin si Sir miller na busy sa ginagawa nya. Nakita ko nalang na napailing si Sir miller at tinuon ulit ang atensyon sa ginagawa nyang mga papeles. Si Keflin ay hindi parin inaalis ang tingin sa'kin kaya bumaling ako dito saglit at tinaasan ng kilay. Oh ano, bakit, tatanggi ka pa, huh? "Meron naman... Nagiging cold sya at hindi na sya sumasama sa tuwing may Family Gathering kami. Madalas busy at madaming excuses." Sagot nya. hindi parin ito tumitigil sa pag-iyak. "Probably, dahil yan sa nakikipag-kita sya sa'kin o sa ibang girls nya. Ewan ko ba sayo at 'di ka nalang makipag-break dyan samantalang mukhang aso naman. Nakakadiri." Sabi ni G2 at nagkunwari pang nasusuka talaga. "So, girl, wag mo ng iyakan yan. Look at you, you're so beautiful. 'di mo deserve yang lalakeng yan. Don't worry, hahanapan kita ng much better kesa sakanya. Much hotter, much taller at mas gwapo!" Sabi mi G2 at nagtaas baba pa ang kilay nya. "Sana all." Saad ko. Agad namang bumaling sa'kin si G2. "Oh, ano, gusto mo rin? Don't worry, sis, Sagot kita!" Sabi nya at kumindat pa. "Sure!" Agad na sagot ko rito. Kita kong napataas ng kilay sa keflin sakin kaya binalingan ko ito at inalabas ang dila ko. "Blee!" Napakunot lang sya ng noo. Tss, 'di mo lang matanggap na makakahanap ako ng bago e. Tumayo si G2 para patahanin si G1. "Makipag-break kana, okay? 'di mo sya deserve." Tumango naman si G1. Tumayo rin ako. "Okay, problem solved!" Tumingin ako kay keflin. "So pwede nabang lumabas? Kanina pa kasi nanghihingi ng pagkain yung tyan ko e." Baka kainin ka nito, roorr! Nang tumango sya, ay sabay sabay na kaming lumabas ng office nya. Tss, wala naman pala akong role tas sinama pa'ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD