Nakabalik din siya agad sa Davao kaya hindi nalaman ni Julianne na umuwi siya ng Maynila. Medyo sumobra lang ang sleeping pills nito kaya dinala pa sa ospital nang hindi agad magising. Nadelay tuloy ang honeymoon nila. Tatlong araw lang ang naging honeymoon ng dalawa dahil walang mag-aasikaso sa negosyo. Si Monique ay nag-resign na at naiintindihan naman ito ni Congressman. Lalo naman nalungkot si Julianne nang malaman na ipapadala sila ni Congressman sa Maynila para sa bubuksang expansion. Aalis kasi itong hindi naaayos ang problema sa kapatid. "Mabuti na rin iyong maghiwalay muna kayo, Julianne," pag-aalo ni Devon. "She needs time to heal." "Sana nga, Devs. Mahal na mahal ko ang kapatid ko. Pero mahal din kita. Sana balang araw matanggap niya tayo." Ngumiti na si Devon. "Are you su

