Papasok ng subdivision si Devon gamit ang kotseng pinahiram ni Julianne nang makita ang kotse nito na palabas naman. Nagtataka niyang binusinahan ang kotse ng babae. Simula nang bumalik ito galing sa America ay hindi pa sila nakakapag-usap. Mabilis na bumaba ng kotse si Devon at pinababa ang driver ng kotse ng babae. "Manong Oscar, pakihatid ho sa bahay ang kotse. Ako na ang magdadrive para sa asawa ko." Alanganing napatingin ang matanda kay Julianne. Tila nakaramdam naman si Julianne na may importanteng sasabihin si Devon kaya tinanguan nito si Mang Oscar. "Umuwi na po kayo, manong para makapagpahinga kayo. Nandito naman si Max at Bong." Si Max at Bong ay mga bodyguards ni Julianne. Sakay ang mga ito ng itim na van na nakasunod sa kotse ni Julianne. Nagtataka man ay hindi na nagsal

