Masayang-masaya si Devon dahil natanggap na siya sa inaaplyang advertizing company. Mag-uumpisa na siya sa lunes. Malaki rin naman ang sahod niya at kaya niyang sumuporta ng pamilya nang hindi umaasa kay Julianne. Nagulat si Devon nang makita ang isang puting van ang nag-aabang sa kanya sa labas ng mansyon. Ibinababa nito ang salamin ng van kaya agad niyang nakilala ang sakay noon. Kinakabahan siyang lumapit doon. "Congressman," bati ni Devon sa lalaki. Kahit gusto niya na itong paulanan ng bala ay nagpigil siya. Kahit alam niya ang kahayupan nito ay ito pa rin ang nag-paaral at kumupkop sa kanya. "Meet me at the Farmer's coffee shop, sumunod ka na lang," sabi nito bago muling isinara ang bintana. Tumango si Devon at sumakay na sasakyan para puntahan ang lugar na sinasabi nito. Matag

