"Hindi ko alam kung paano magpapasalamat sa'yo, Julianne," seryosong sabi ni Perrie nang makarating sila sa guest house na tutuluyan ng babae. Ipinahanda na iyon ni Julianne bago pa sila makarating sa bahay. "Sa'yo ako dapat magpasalamat dahil iniligtas mo ang buhay ko." Ngumiti si Perrie. "Kaibigan na rin kita at alam kong hindi ka kayang mawala ni Devon sa buhay niya." Marahang napabuntong-hininga ang babae na tila hindi naniniwala sa sinabi niya. "Julianne..." nag-aalalang tawag ni Perrie. Ngumiti na rin si Julianne pero nahalata ni Perrie ang pagiging matamlay nito. "Ang mabuti pa, iiwan na muna kita para naman makapagpahinga ka na." Sumang-ayon na lang si Perrie at hindi na pinigilan nang magpaalam ang babae. Nahahalata niyang may problema ito at malakas ang kutob niyang may ki

