"Bye," masayang kumaway si Julianne sa anak bago sumakay sa tinted na van. Kung pwede nga lang ay isama niya ito sa munisipyo. "Bye, mommyyyy," sigaw ni Jude. "Pumasok ka na sa loob," utos ni Julianne sa anak. Nakangiti namang tumalima si Jude at sakay ng laruang kotse ay pumasok na ito sa loob ng malaking bakuran. Pero nang wala na ang van ay muling lumabas ang bata. Hindi man lang ito nakita ng guard at ng yaya na busy sa pag-kwekwentuhan. "Hi," bati ng dalawang taong gulang na si Jude sa lalaking nakasuot ng itim at nakatakip ng mask ang mukha. Nakatayo ito sa labas ng gate na tila may hinihintay "Laro tayo." Nakatitig lang ang lalaki sa bata pero halata ang lungkot sa mga mata nito. "Sige, laro tayo," kinuha ng lalaki ang bata kasama ang laruang kotse at dinala sa playground ng

