Napagpasyahan nila magcelebrate para sa drummer nila si Ayisha jade. Pagkatapos nila tumugtog sa gabi iyun nagkita-kita sila sa isang kilalang bar. "Hindi pa ba tayo uuwi?"sita ng dalaga na may pagtataka sa mukha. "Magsicelebrate tayo para sa unang pagtugtog mo kasama ang Green Hulk.." aniya na binuntutan niya ng pagngisi. Hindi na niya hinintay pa na makareklamo pa ito. Pinagbuksan niya ito ng pintuan. Nauna na pumasok sa loob ang dalawa. "Sayang ang reservation,come on..hindi naman tayo magpapakalasing eh!" saad niya rito na tila wala balak na bumaba ng kotse. "Come on,this is for you!" aniya. Bumuga ito ng hangin at napipilitan na bumaba na ng kotse. Agad na dumapo ang kamay niya sa siko nito. Painosente na ngumiti siya rito ng lingunin siya ng dalaga na may paninita tingin.

