"Lilipat na lang ako ng mauupahan!" untag niya sa lalaki bago ito makasakay ng kotse. Humarap ito sa kanya. "Bakit pa? Ayaw mo ba dun?" salubong ang kilay nito turan. Marahas siya napabuga ng hangin. "Hindi mo ba naisip na nakatira tayo sa iisang bubong? Ano na lang sasabihin ng mga kaibigan mo ay ng mga tagahanga mo na kasama ka babae sa bahay mo?" Nanatili wala reaksyon ang lalaki. Mukha hindi man lang ito nag-aalala na baka maeskandalo ito. Pero siya,Oo! "Hindi tama na magkasama tayo sa iisang bahay," aniya. "Alam ko,hindi naman ako palagi mag-iistay dun kaya wala ka dapat ikabahala at wala ako pakielam kung ano sasabihin nila tungkol satin," anito. Napanganga siya sa sagot nito. Satin? Ano yun parang sila lang? "Sige,kapag ako napagkaisahan ng fans club mo,I swear papatulan

