Mabilis na iniharang niya ang sarili sa pagitan ng kawawang malaking hayop at mga tao na pilit na sinasaktan ang hayop. "Umalis ka diyan! Halimaw yan!" "Kayo ang halimaw ! Hindi niyo sa dapat saktan dahiL wala siya sinasaktan sa inyo!" todo tanggol niya sa pobreng hayop. "Kakainin ka niya! Kaya umalis ka na dyan! Kailangan mamatay ang halimaw na yan!!" Marahas niya nilingon ang hayop. "Aalis tayo dito! Sumunod ka sakin!" Tila naman naunawaan siya ng pobreng hayop. Masyado ito malaki. Nakakalula sa Laki pero nangingibabaw ang pagkamangha niya rito. Isang kulay berde ang balahibo nito. Nakakamangha. May ganito bang halimaw? Ang alam niya halimaw ay hindi-hindi kaaya-aya ang itsura hindi ang isang ito. Humihingal na narating nila ang hangganan ng gubat. Nakita niya ang unting-unti pa

