Kabanata 5

1341 Words
"PLEASE tell me you didn't develop an instant crush on him just because of what he did to Mr. Lim?" nakasimangot na tanong ni Ae kay Raiah. Meanwhile, Vina was leaning on the sink counter and busy munching a cookie. Patay-malisya niyang itinali ang ribbon ng cookies na siya mismo ang nag-bake. "Wala akong crush sa kanya," pagmamang-maangan niya. "I just wanna give him something as a token of gratitude." Umirap sa kawalan si Ae. "Token of gratitude? Come on. We're friends. We don't do stuff like this for men we're not attracted to." Raiah lifted a brow. "I baked you guys a cake after I got to Kelton?" "It's because we're friends!" Nahilot na nito ang sentido. "Raiah, sinasabi ko sa'yo, kapag nasaktan ka diyan sa mga pinaggagagawa mo sa buhay mo, ikaw ang ipapadala ko sa Afghanistan dahil mas martir ka pa sa GomBurZa!" Vina snorted. "Gaga, parang applicable sa'ting tatlo 'yon. Ikaw si Gomes, ako si Burgos, tapos 'tong si Raiah si Zamora." Ae's eyes narrowed at Vina. "Not a good time for your jokes, Vina." Nagtaas ng mga kamay si Vina. "Sabi ko nga." Kumagat ito sa hawak na cookie. "Okay, tuloy ang teleserye." Nagpamaywang si Raiah sa kaibigan. "Okay, fine. Maybe I am kind'a having a crush on him. He's gorgeous, alright? Besides, I feel pretty special." Lalong gumuhit ang pagkayamot sa mukha ni Ae. "Special dahil halos binalian niya ng buto si Mr. Lim? Do you like brutal men? Kasi kung oo, halika. Dadalhin kita sa kulungan at doon paghahanapin ng bubugbog sa'yo habambuhay." Raiah groaned. Why are they friends again? Right. She, Ae, and Vina talk this way to each other when they think one of them is making a stupid decision. Kung sabagay. Halos lamunin niya nang buhay si Ae noong nalaman niyang in love ito kay Linel Shault. Ang pinakatarantado nilang schoolmate noong high school. Naihilamos ni Ae ang mga palad nito sa mukha saka ito nagpakawala ng malalim na hininga. "Look, I am not trying to be the villain in your story, but please." She gestured her hands as if she's praying. "Please, Raiah. Save your heart. Magkagusto ka na sa lahat, huwag lang kay Dr. Kavinski. He is . . . oh God, forgive me but he is the last man on Earth who will treat a woman properly." Vina waved her hand. "Oh, you're being dramatic. Parang hindi mo naman kilala si Raiah kapag nagkakaroon ng crush. Kailan ba 'yan nagka-crush ng tumagal ng one month? Her attention span on men is shorter than our patience combined." Raiah pointed Vina. "She has a point." She faked a smile. "Come on, Ae. You know me. I'm sure this is just a phase, alright? Siguro nagugustuhan ko lang kasi masungit siya sa iba at parang walang pakialam tapos bigla siyang nagpakita ng heroic act sa'kin. That's all?" "Yeah." Inakbayan siya ni Vina. "I'm sure kapag nakita niya na kung gaano kasalimuot maging nurse sa department ni Dr. Kavinski, manginginig siya sa pandidiri sa sarili someday dahil sa ginagawa niya ngayon." Ae rolled her eyes while groaning and shaking her head. "Bahala kayong dalawa diyan. Uuwi na ko." Kumaway na lamang sila rito bago na sila naghanda para sa pagpasok. Sabay ang duty nila ngayon ni Vina. Sa emergency room pa rin ito naka-assign kaya kahit na isang oras pa bago ang duty nila ay bumyahe na sila patungo ng Kelton. "Akyat na ko, Vi," paalam niya sa kaibigan. Vina nodded her head. Imbes na mag-clock in na ay nakiusyoso ito sa mga nurse na kasamahan nito sa emergency room. Sabi nga nito ay sa emergency room madalas maganap ang mga pan-telenovela na scenario. Gaya na lang noong ikinwento nito sa kanya kanina nang magkita-kita sila sa bahay niya. "Anong bagong tsaa sa ER, anak?" tanong ni Nurse Jammy sa kanya. Ngumisi si Raiah. "May naaksidente raw pong lalake. Sakay 'yong kabit. Ang nakabanggaan? 'Yong sasakyan ng girlfriend." Natawa si Nurse Jammy. "Ay kung hindi lang nakakapagod sa ER, gusto ko doon at maraming source of entertainment." She laughed softly. Nang humupa ang tawanan ay luminga-linga siya sa paligid. "Nurse Jammy, dumaan na ba si Doc Silver?" Akmang sasagot na ito nang narinig nila ang tinig ni Dr. Kavinski na umaalingawngaw sa hallway. "Chavez!" Muntik na siyang mapatalon sa kinatatayuan. Nang tumapat si Silver sa kanilang station ay halos mawalan ng kulay ang kanyang mukha matapos makita ang madilim nitong ekspresyon. "D-Doc? B-Bakit ho?" "Did you try to talk things out with patient Roxas' parents? Did you tell them that a bloodless operation can be f*****g done?!" Napalunok si Raiah. Ang nahihintakutang mga mata ay halos hindi na rin magawang kumurap. "S-Sinubukan ko lang naman po silang bigyan ng hope kasi nag-iiyakan na sila kahapon--" "This is a f*****g hospital, not a goddamn church, Raiah Chavez! People go here because they need treatments not a f*****g pep talk and shitty advice from a newly-hired nurse who doesn't have a psychology background!" His voice thundered. "I don't care if you think you're so good at your job. Your credentials will never matter to me if you will keep doing stuff like that. You might think you're saving someone from a heartbreak but no. Believe me, you are not helping at all." "P-Pero, Doc nagbigay lang naman--" "Ng ano? Ng walang kwentang advice na pwede nilang kapitan dahil hindi nila kayang harapin ang katotohanan?!" Silver scoffed. "Giving someone f*****g false hope is worse than telling someone she only has six months to live. Do you know why, hmm?" Naibuka niya ang kanyang mga labi ngunit hindi niya nagawang magsalita kaya lalong gumuhit ang galit sa mukha ni Silver. "Answer me!" galit nitong sigaw. Halos mapapitlag siya sa lakas ng boses ni Silver. Ang mga luhang hindi niya napansing namuo na sa sulok ng kanyang mga mata ay isa-isang pumatak. "B-Bakit po?" His jaw clenched. "Because this is real life, Chavez. People f**k up, make mistake, die, and get forgotten. A false hope cannot take someone's cancer away. A false hope cannot bring back someone else's child. Do you get where this is heading or do I still need to drag your ass back to the university and question why they gave you a f*****g Latin honor?" She sniffed. "But it wouldn't hurt to have a little hope sometimes. Isa pa ay hindi naman masamang magpakita ng simpatya sa mga taong nasasaktan, Doc--" "Did hope and empathy save your father, hmm? Naligtas ba? Hindi naman, 'di ba? So what the f**k made you think that way, huh?" putol nito sa kanyang sinasabi. Natulala si Raiah sa galit nitong mga mata. He looks feral. Tila ba wala na itong pakialam kung masaktan siya nito nang husto. As a matter of fact, para ngang iyon pa ang nais nito. Ang madurog sa harapan nito ang kanyang puso. Raiah sobbed. Ang kanyang naninikip nang dibdib ay lalo pang sumikip nang mag-flashback sa isip niya ang araw na namatay ang tatay niya. She could remember how she tried to wake him up. How she cried while holding his cold hand. How she called for him over and over again, begging him to live. Nag-unahan ang mas makakapal na luha ni Raiah. "H-Huwag mo namang idamay ang Daddy ko--" "Hindi ko madamay kasi patay na? O dahil alam mo sa sarili mong hindi sapat 'yang lintik na simpatya mo sa pasyente para mailigtas mo ang buhay niya?" Silver slammed the patient's records on top of the counter before he pointed a finger on her. "I do not want to hear another instance like this involving you, Chavez." Napahikbi na lamang si Raiah nang tuluyan na itong naglakad paalis. Pilit siyang pinakalma ni Nurse Jammy ngunit talagang hindi tumigil ang mga luha niya sa pagpatak. Raiah went to her locker and grabbed the box of cookies. Sa sobrang sama ng loob niya ay itinapon niya iyon sa trash bin saka niya pilit na pinunasan ang kanyang mga luha. Looks like she was really wrong about Dr. Silver Kavinski . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD