ISANG linggo nang nagpupunta si Silver sa kabilang bayan para ibili si Raiah ng bulaklak. Tuwing hapon ay isinasama nito si Choi at isinasakay sa sasakyan nito. Pag-uwi ay may dala nang pagkain ang pinsan ni Raiah habang may bulaklak namang para sa kanya. Raiah sighed when Silver handed her the bouquet of red roses. "Sinabi ko na sa'yong huwag mo kong bilihan. Sayang lang," asik niya nang makuha nito si Sera't naipasa ang bungkos ng mga bulaklak sa kanya. "Ba't ka ba bili pa nang bili?" Silver took the chance to tuck her hair behind her ear. "I just wanna court you again." Inirapan niya ito kahit na nagsimula na namang magwala ang mga lintik na paru-paro sa kanyang tiyan. Talagang sinusuyo siya ni Silver. Tila hindi ito tinatablan ng katarayang ipinakikita niya. She turned her back on

