Malapit na ngang mag graduate si Dustin. Ibig sabihin nun siya na ang hahawak sa company nila. Waaahhh ang cool niya sigurong tingnan kapag naka business suit siya. Kailangan ko pang mag aral ng mabuti para mapantayan siya. Walang magawa dito sa school kaya eto nag lilibot nalang ako. Ang lungkot lang talaga kapag November. Nakakatakot kapag araw ng mga patay. Sheeeeeeeezzzzzzzzzzzzzz. Puro multo ang nasa isip ko. "Hoy Sheca" "Ay multo"- ako Paglingon ko..sila Mich? Ano naman ang gusto nila? "Bakit?" "Ang yabang mo na ah. Ang kapal din ng balat mo para dumikit dikit kay Prince!"- Mich "Prince? Sinong Prince?" Wala akong kilalang Prince noh. Dustin meron. haha "Ang feeling mo na nga tanga ka pa."- Mich Namumuro na itong mga to sa akin ah. "Inaagaw mo ang boyfriend ni Mich"-Pamu

