Nakakainis. Nalaman ko nalang na ang ka date ni Sheca ay si Albie yung payatot a yon. Ang lakas ng loob na yayain ang girlfriend ko. Alam na nga niya na may boyfriend na yung tao niyaya pa niya. At hindi ko matanggap na pumayag naman si Sheca. Alam sa buong school na kami na. Tapos ano? "Uy Dustin ano tong nabalitaan kong si Albie ang ka date ni Sheca sa ball dance ha? Malapit na akong aalis tapos ganito pa ang nagyayari sa inyong dalawa!" "Ana please magulo ang utak ko ngayon. Dapat ang binubulyawan mo ngayon ay ag bestfriend mo." "May ginawa ka sigurong hindi maganda kaya ganyan sa iyo ang kaibigan ko. Dustin sa Feb na ang alis ko, magagalit ako sa iyo kapag hindi pa kayo nagkaayos ng kaibigan ko." "Don't worry little sis. mahal ako ng kaibigan mo, hindi ako matitiis non. Ikaw na ng

