" Good morning everyone!! " masayang bati ni Ley habang naghahapag ito ng pagkain.
Isang linggo na silang nasa bahay na ito. Nakita na rin niya ang mga lumang larawan ni Alexa at hindi kagaya ng kay Cassandra she can feel the familiarity.
She can feel her connection to the pictures she saw.
Simula ng dumating sila ay hindi na sila pinaalis ni Lola. Tinutulungan din nila ang Lola niya sa pagtitinda and she can feel that she was safe here.
" what are you tingking?" Takang tanong sa kanya ni Ley.
" I just want to see the child Ley"
Seryosong sambit niya rito.
Napahinto naman ito at umupo sa tapat niya.
" we can't get the child Cas, kaylangan mo ng kalimutan kung sino ka at kasama na iyon sa paglimot sa bata"
" but I'm a mother Ley, may anak ako at kahit na paulit-ulit ko na itatak sa utak ko na ako si Cassandra, hindi ko magawa, Simula ng magising ako lagi ko nalang siyang napapanaginipan "
Kinuha ni Ley ang kamay niya at hinawakan ng mahigpit.
" I understand pero hindi tayo basta basta makakalapit sa bata Cas "
" do you know where thet leave?" Masiglang tanong niya rito.
Tumango naman ito at tumingin sa kanya.
" I want to act crazy like Cassandra, I will chase him for my child, kukunin ko lang ang bata Ley then we will leave "
Bigla nitong binitiwa ang kamay niya.
" are you crazy Cas, alam mong kaya ka nyang patayin at alam kong gagawin nya yon "
Napahinto naman siya at napaisip bakit nga ba nakalimutan nya iyon. Tama si Ley kaya siya niting saktan kagaya nalang ng nagkita sila sa sementeryo.
" wag mo ng pag-isipang gawin Cas dahil hindi ka pa nakakatapak sa gate ng bahay ay may nakatutok na sayong baril"
Sasagot na sana siya rito ng mapansinan niyang papalapit na ang Lola niya dala dala ang niluto nitong adobo na paborito daw niya.
" Alexa " napahinto siya sa ng makita ang itsura ng Lola niya. Seryoso ito.
" Lola " tawag niya rito.
" apo nawala ka na sakin ng isang beses at ayaw ko ng maulit ang bagay na iyon kaya apo makinig ka sa kanya " sambit nito matapos nitong ihapag ang pagkain sa lamesa.
Napaluha nalang siya sa sinabi nito.
Lumapit ito sa kanya at niyakap siya.
" alam kong masakit apo pero kaylangan mong gawin, at tutulungan kitang lumayo, ayaw ko mang magkalayo tayong dalawa pero kaylangan "
Hinalikan siya nito sa sintido.
" mag-impake na kayong dalawa may bahay ako sa probinsya doon kayo umuwi at magtago " seryosong sambit nito sa kanilang dalawa. Ramdam na ramdam niya ang pag-aalala sa boses nito.
" lola "
" hindi niya alam ang lugar na iyon Alexa, kahit sa ganong paraan ay maprotektahan kita apo "
Niyakap nya rin ito ng mahigpit.
Kaylangan niyang lumayo sa anak niya, pero darating ang panahon she will come back at sisiguraduhin niyang makakasama na niya ito.
Mayayakap at mahahagkan.