Another day to start.
" Kumain ka na, nagprepare ako ng salad at ito naman ang gamot mo "
" hindi ka ba napapagod Ley, I don't remember you pero hindi ka tumitigil na alagaan ako "
Simula ng magising siya ay ito na ang nag-aalaga sa kanya sa araw-araw.
Sa tingin nga rin niya ay ito rin ang nagbabayad sa hospital bills niya base na rin sa itsura nito ngayon. Magkaedad lang sila pero parang pagod na pagod ang itsura nito.
" Cas wala akong pamilya at ikaw lang ang pamilyang meron ako, sino pa ba ang pwede kong alagaan kung hindi ikaw lang din naman, hala sige na tigilan na natin ang drama at may trabaho na tayo mamaya " nakangiting sambit pa nito sa kanya.
" anong trabaho?"
" may naghahanap ng model kanina at magnagrekomend sayo hindi man kalakihan ang talent fee pero pwede na rin "
Tumango nalang siya rito. Ayaw na rin niya kasi itong pahirapan. Alam naman niyang pagod na pagod na si Ley sa kanya.
Sumubo siya sa hinanda nitong salad. Wala siyang malasahan at hindi niya gusto ang kinakain niya pero nginuya nya pa rin iyon at linunok.
Hindi na dapat siya nagrereklamo dahil nageefort ang kaharap niya para lang bumalik ang ala-ala niya.
" Cas wala ka pa rin bang naalala kahit na katiting o kaya ay napapanaginipan, sa napapanood ko kasi sa t.v madalas ay napapanaginipan nila ang mga memory nila "
Umiling siya at patuloy na kumain.
" alam mo bang may anak ang kakambal mo "
Nahinto siya sa pagkain at tumingin rito.
Ilang buwan palang ang bata nung mangyari ang aksidente.
Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng kirot sa puso ng banggitin nito ang tungkol sa bata.
" asan ngayon yung bata " pilit niyang winawaglit sa isipan ang nararamdaman niya.
Dala lang siguro ito ng kalituhan sa sariling ala-ala.
" syempre nasa tatay "
Tumango lang siya at nagpatuloy na kumain.
Ngayon alam na niya kung gaano siya kasama.
Hindi lang niya pinagkaitan ng asawa ang lalaking iyon pati ina ng anak nito ay kinuha niya.
Ganon ba siya ka selfish, ganon ba talaga siya kasama noon.
" napakaselfish ko pala Ley "
Tumigil naman ito sa pagkain at tumingin sa kanya.
" nagmahal ka lang Cas pero sa maling lalaki nga lang, hindi ko nga rin masabi kung mahal mo nga sya o naiinggit ka lang sa buhay na tinamasa ng kakambal mo "
Lalo siyang napakunot noo rito.
" paanong?"
" actually Cas, kaylan mo lang siya nakilala uli, ang pagkakaalala ko ay pareho kayong nawala noong bata pa kayo pero ang kakambal mo ay napunta sa isang matandang mag-asawa na may kaya sa buhay kaya naging maganda ang buhay nya "
" pero si Cassandra? I mean ako pala" Hindi nya pa rin matatak sa utak niya na siya si Cassandra.
" lumaki tayo sa Orphanage Cas, tapos nung nag18 na tayo sabay tayong lumabas ng orphanage, sabay nating binuhay ang mga sarili natin, ang dami din nating gabi noon na umiiyak nalang tayo dahil wala tayong makain "
Kitang kita niya ang pagbakas ng lungkot sa nakangiti nitong mukha.
" Ley mahal na mahal mo si Cassandra kahit na masama ang ugali nya?"
Lumingon ito sa kanya kitang kita niya ang pagpatak ng luha nito.
Tumayo ito at lumapit sa kanya, hinaplos nito ang mukha niya.
" Ikaw si Cassandra at oo dahil kami lang dalawa ang magkapamilya, tinalikuran na tayo ng mundo Cas kaya wala tayong ibang sasandalan kung hindi ang isa't isa, ano ba yan sabi mo ng dati dapat happy lang "
Pinunasan nito ang sariling luha.
" ang pangit ko na ba?" Nakangiting tanong pa nito sa kanya habang namumula na ang mata at ilong nito.
May pagkamistisa si Ley hindi nga lang ganong mahilig mag-ayos kaya matatabunan ang ganda nito.
" Ley what if wag ko ng piliting makaalala, I just proceed on my life, kalimutan ang past lalo na ang sabi mo malungkot ang past natin maybe magbabago ako because of this, kasi wala na kong hinanakit na nararamdaman "
Tumango naman ito sa kanya.
" tama ka dapat mag move forward nalang tayo halika nga friend pahug ako at may trabaho pa tayo mamaya "
Nakangiting niyakap nya rin ito.
" may nakita pala akong mga libra sa sala sayo ba yon?" Tanong nya rito.
Humiwalay naman ito ng yakap sa kanya at tinitigan sya sa mata.
" maniwala ka at sa hindi Cas sayo ang mga libro na iyon, sabi mo kaylangan kahit isa sa atin makapagtapos e dahil hindi ako katalinuhan, pinaubaya ko na sayo yon "
" nagaaral syang maging isang guro?" Kunot noong tanong niya rito.
Nakangiting tumango naman ito sa kanya.
" matagal mo ng pangarap ang bagay na iyon Cas, naligaw ka nga lang ng landas pero alam kong gustong gusto mong makatapos "
May pangarap din pala siya noon, ang akala niya ay wala lang siyang alam gawin kung hindi sirain ang buhay ng kakambal niya but now she fell relieve dahil may nagagawa naman pala siyang tama noon.