"Balik muna tayo sa restaurant ni Roice,"-ani ko kay Kiel. "Babalikan mo iyong berdeng mata!"-galit na sabi niya. "Hindi ah! kausapin ko lang si Jenny,"- Umirap ito sa akin.Agad na niya pinaandar ang sasakyan. Well,okay na kami ni Kiel.Nagkasundo kami na lilipat ako sa bahay niya. Pagdating sa restaurant,buti naabutan ko pa si Jenny,si King hindi pa rin umalis. Agad naman hinawakan ni Kiel ang aking kamay. Napapailing na lang ako dito. "Ang bilis naman ninyo,nag quicky lang kayo?"-asar naman ni Jenny pagpasok namin. Umupo ako sa tabi ni Jenny. "Akala ko ba aalis kana Berde,"-saad ko kay King. "Nag usap lang kami ni Lance,"-ani niya. "Sabihin mo na kung ano ang sasabihin mo kay Jenny,uuwi na tayo,"-ani naman ni Kiel. "Usap tayo,"-saad ko kay Jenny. Tumayo ako at sumunod naman

