Inaayos ko na ang aking gamit, babalik na ako ng Manila,may mga kasama din ako dahil dadating rin ang papalit sa kanila. "Kurt, anong oras dadating ang sundo natin?"-tanong ko kay Kurt. "Maya-maya Captain,si Lieutenant Roswell kasama rin natin, dadating din ang papalit sa kanya,"- Tumango lang ako dito. Ayoko na alamin kung ano ang mission dito ni Gold,dahil okay na naman ang dalawang grupo. "Captain Santiago nandito na sila, dalawang eroplano ang sumundo sa atin,"-ani ni Lieutenant. Bitbit ang aking bag,lumabas na ako ng tent.Sinalubong ko ang kapitan na papalit sa akin. "Salamat,ingat kayo dito,"-ani ko. Sumakay na ang ibang sundalo,sa kabila naman kami ni Kurt sumakay.Napansin ko na babae ang piloto.Magkasing tangkad lang Yata kami. Sumakay na ako,nakita ko si Gold,pinapababa

