CHRIS “What do you mean he’s sleeping at your house?!” medyo malakas ang pagkakasabi ko noon kay Calai kaya naman hinawakan niya ang kamay ko para kumalma. “Baka kasi tulog na si tita, kung doon pa uuwi si Austin sa kanila. Dati naman na siyang nag oovernight sa bahay, marami namang rooms doon di ba,” kalmadong sagot ng aking nobya. “But still, hindi magandang tingnan Calai. Alam ko you are friends, kaya lang,” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nakita kong yumuko si Calai, I know she’s accepting defeat. Tumingala ito sa akin at matamlay na ngumiti, “Sige ihahatid ko na lang siya kila Tita. Sabihin ko na lang na itext niya na habang nasa biyahe kami para hindi muna i-lock ang pinto.” “Love, I’m sorry, hindi naman sa…” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Agad akong hinalikan s

