CALAI Magmula noong birthday ko ay ilang weekends na rin akong sa townhouse ni Chris tumutuloy. Kung minsan kahit weekday ay susunduin niya ako sa school at ihahatid na lang rin kinabukasan. Tila ba hindi pa rin kami natatapos sa honeymoon stage ng aming relasyon. Nakabalik na rin sila sa pagtugtog sa bistro. Pagkatapos kasi ni Chris ay si Martin naman ang humingi ng ilang linggong bakasyon para puntahan si Jenny sa America. Nang makabalik ay napakaraming pasalubong para sa amin. Marami ring regalong ipinadala si Jenny para sa akin, at excited daw siyang makasama ako pag nakauwi na siya sa susunod na buwan. Alam niya na ring engaged na kami ni Chris at nagpaabot naman siya ng kanyang pagbati. Madalas rin kaming nakakapag usap lalo kapag may gig sa bistro, nila-live stream ko para makapanu

