Walang Kupas

788 Words
CHRIS “What I want to tell you is, do your best to obey your parents, finish a degree, or even two. But don’t give up on your passion. I believe that time management is the key to become successful.” Ito ang maikling pahayag ni Chris nang imbitahan siyang magsalita ni Calai onstage. Tuwang tuwa naman ang mga estudyante, guro, maging ang principal na nagpasalamat kay Chris kahit walang pormal na imbitasyon dito. “Malakas po sa akin itong guidance counselor niyo, Sir,” ani Chris sabay lingon kay Calai. “Thank you Ms. Vergara. I believe that our students really valued the importance of this activity today.” Proud na proud si Calai nang sambitin ito ng principal. Sabay na rin silang nananghali ni Chris sa kanya opisina. Puno na kasi sa canteen dahil late na rin nakapag break ang mga estudyante. “Salamat ha, kahit walang certificate at honorarium, nagsalita ka pa rin para sa mga bata,” masiglang sabi ni Calai kay Chris. “Hmm sino nagsabing walang PF yun?” sabay kindat na wika ni Chris. Napa nganga si Calai sa nasambit ng binata at tila nahiya. “Hahaha don’t worry, date lang naman ang hihingiin kong bayad,” sabay subo ng pagkain. Mahinang hampas sa braso naman ang isinagot ni Calai kay Chris. Masayang nananghali ang dalawa hanggang sa magpaalam na nga si Chris dahil sa meeting nila kasama ang interior designer na kaibigan. CALAI Ilang linggo ang lumipas bago natuloy ang date ng dalawa. Naging busy ang schedule ni Chris dahil sa meetings at out of town gigs. Suportado naman siya ni Calai at madalas pa rin silang nagkakausap sa text at tuwing gabi naman magkausap sila sa telepono bago matulog. Sa isang mall sa Makati sila magkikita. Nandun na si Calai dahil maaga itong bumiyahe para hindi ma traffic. Nag iikot ikot lang siya dahil may higit isang oras pa bago ang usapan nila ni Chris. Namiss niya rin itong mall, may ilang buwan na rin ata siyang hindi nakakabisita dito. Pinuntahan niya muna ang department store at tumingin tingin ng mga damit at sapatos. Simple lang ang hilig ni Calai. Madalas ay plain colored ang mga damit niya. Maging sa sapatos ay flat shoes or sandals lang rin, kung minsan pa nga ay Converse na sneakers ang suot niya kapag wala sa trabaho. Katulad ngayon, naka denim dress lang siya na may manggas at nasa taas ng tuhod ang haba, habang naka puting Converse sneakers at blue and white na sling bag. 3RD PERSON POV “Wala talagang kupas ang ganda niya,” wika ng lalaki sa kanyang isipan. Pagpasok niya pa lang sa mall ay nakita niya na ang dalaga. Pasimple niya itong sinundan, sinigurado niyang hindi siya mapapansin ng dalaga. Sa bawat pasilyong dinadaanan ni Calai, at sa bawat pagkislap ng mata, hindi maialis ng lalaki ang kanyang mata sa dalaga. Naging mas maingat siya nang pumasok si Calai sa isang department store. May hinawakan itong puting blouse at isinukat sa sarili, “Simple pa rin talaga ang mga hilig niya, hindi na nagsawa sa puti,” natatawang nasabi niya sa sarili. May tumawag kay Calai, at nakita niyang ibinalik na sa rack ang blouse, atsaka naglakad papalabas ng department store habang nakangiti at may kausap sa telepono. Humugot ito ng lakas ng loob at dahan dahang lumapit sa dalaga, na noon ay nakatayo sa may bungad ng department store. “Calai...” CALAI “Hello Chris, yes nandito na ako. Sige meet kita sa entrance ng department store, punta na ako dun,” hayag ni Calai nang sagutin ang tawag ni Chris. Dali dali niyang binitawan ang puting blouse na nagustuhan niya, “Babalikan na lang kita mamaya ha.” Nakangiting naglakad papunta sa entrance si Calai, nang may maramdaman siyang sumusunod sa kanya, kaya naman napalingon ito. “Calai...” wika ng lalaki sa kanya. Sandaling natunganga si Calai sa nakita. Taon na rin ang bibilangin nang huli silang magkita, dahil na rin sa maingat na pag iwas ng dalaga. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, dito pa sa mall na madalas nilang puntahan noon, muling magtatagpo ang kanilang landas. “Jonas.” sagot ni Calai. “You’re looking good, kumusta?” tanong ng binata. “Ayos naman,” sagot ni Calai habang tipid na nakangiti. “Are you alone?” “No, I’m waiting for my friend.” “Ah ganun ba. Calai, I’m hoping we could talk.” Hindi nakasagot si Calai. Matagal na panahon na ang nakalipas pero hindi niya pa rin nalilimutan ang sakit na idinulot ng pagtataksil ni Jonas. “Siguro some other time, Jonas. Hinihintay ko lang yung kasama ko.” Lalakad na sana palayo si Calai nang abutin ni Jonas ang kamay nito, “Calai, I’m sorry.” Mapait na tiningan ni Calai ang mga kamay nila, dahan dahang hinila ang kaniya, at tanging ngiti ang naisagot kay Jonas. Naramdaman niya naman ang kamay na humawak sa kanyang likuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD