BALAK ni Charlene na magmukmok sa kuwarto niya magdamag hanggang sa mga susunod na araw. Pero alas nuwebe ng gabi ay may kumatok sa kuwarto niya. Dumating daw ang kuya Charlie niya at si Jane. Ganoon din ang ate Cherry niya, si Jay at si Justine. Nang bumaba siya ay nakapaikot sa center table sa living room ang mga kapatid niya at ang pamilya ng mga ito. Maraming take-out food mula sa isang restaurant na nakalagay sa lamesa. “Anong meron?” gulat na tanong ni Charlene. “Well, tumawag sa akin si mommy kanina na umuwi ka raw na namumutla at parang iiyak. Tapos nagkulong ka daw sa kuwarto mo pagkatapos mong sabihin na nag-resign ka na sa trabaho,” sabi ng ate Cherry niya na may nakakaunawa at nakikisimpatyang kislap sa mga mata. “So we decided to comfort you,” sabi ni Jay. “Really? I tho

