AKALA ni Charlene ay magkakailangan sila ni Art kapag nagkita silang muli sa opisina pagkatapos ng namagitan sa kanila. Pero nagtama pa lang ang mga mata nila at ngumiti lang ito ay napangiti na rin siya. Walang pagkailang. Katunayan ay pakiramdam niya nagkaroon sila ng telephatic connection. Sa palitan lang ng tingin ay nagkakaintindihan na sila. Hindi nga lang sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap ng masinsinan dahil puro meeting sa kung sino-sinong producer ang inatupag nila sa sumunod na mga araw. Nadagdagan pa ng meeting kasama ang mga representative ng mga kompanyang gustong kunin si Art bilang endorser. It was a hectic week. Masyadong hectic para makapag-usap sila ng tungkol sa estado ng kanilang relasyon. Nang sumunod na linggo, kung kailan unti-unting umayos ang schedule

