CHAPTER 5

1292 Words
KUMISLOT ang puso ni Charlene at bumilis ang t***k niyon nang makarinig siya ng busina ng sasakyan mula sa labas ng resthouse ng kuya Charlie niya sa Tagaytay. Sigurado siya na sila Art na ang dumating. Huminga siya ng malalim at mabilis na naglakad palabas ng silid na ookupahin niya habang naroon sila. Kaninang umaga ay tumawag sa kaniya si Keith para sabihin ang plano nitong pagbakasyunin si Art sa resthouse. Nakausap na daw nito ang kuya niya na pumayag naman. Pagkatapos na pagkatapos nilang mag-usap ay may nabuo agad na ideya sa isip ni Charlene. Ideya na alam niyang ikagagalit ng pamilya niya. Ideya na kapag sinabi niya sa mga kaibigan niya ay sasabihin ng mga ito na isang katangahan at kamartiran. Na siyempre ay sasagutin niya ng, “Trabaho lang ito.” Kahit na alam niyang hindi maniniwala ang mga ito sa kaniya. Nagdesisyon si Charlene na samahan sa resthouse si Art habang nagpapagaling ito. After all, paano makakaya ng binata ang mamuhay doon na mag-isa? Masyadong malaki ang resthouse at kahit punuin ng stock ang refrigerator ay hindi iyon tatagal ng isang buwan. Hindi niya maatim isipin na walang kasama doon si Art. Narinig na niya ang tinig ng mga lalaki. Pagkatapos ay ang pagbubukas ng front door. Muling huminga ng malalim na paghinga si Charlene at tumayo ilang metro paharap sa pinto. Pigil niya ang paghinga nang makita niyang dahan-dahang humakbang papasok si Art sa tulong ng mga saklay. Parang nilamutak ang sikmura niya nang matigilan ito at manghang napatitig sa kaniya. Nilunok niya ang kabang nararamdaman at pilit na masiglang ngumiti. “Good morning, boss!” “Anong ginagawa mo dito?” manghang tanong ni Art. Nag-echo ang boses nito sa living room ng resthouse. “May tao diyan?” narinig ni Charlene na tanong ng isang lalaki sa labas, saka pumasok din sa loob. Katulad ni Art ay nagulat din ang lalaki na walang iba kung hindi ang isa sa bestfriends ng kuya niya na si Ross. “Teka, hindi ba –” “Hi! Ako si Charlene. Personal Assistant ni Direk Art. I presume kaibigan ka niya?” mabilis na putol niya sa sasabihin ni Ross. Simula nang malaman niya na kaibigan pala ni Art ang kuya niya ay labis na pag-iingat ang ginawa niya para hindi nito malaman ang tungkol doon. Ganoon din siya kaingat para hindi malaman ni kuya Charlie na si Art ang boss niya. Kasi isa rin ang kuya niya sa nanermon sa kaniya nang malaman ang ginawa niyang pagpapalit ng trabaho. Bukod sa may mas malalim pa siyang dahilan kung bakit mas gusto niyang ilihim ang relasyon nila ni kuya Charlie. Natigilan si Ross, halatang nagtataka at namamangha. Ngumiti lang siya at bumaling na kay Art. “Pumasok na kayo, boss.” “Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko. Anong ginagawa mo dito?” malamig na tanong ni Art. “I’m here to take care of you.” Napamaang sa kaniya ang dalawang lalaki. Pero si Ross ang unang nakabawi. “Wait. Sinasabi mo ba na mananatili ka rin dito sa resthouse habang nandito si Art?” “Of course. Trabaho ko na i-assist siya. Kaya iyon ang gagawin ko.” Napasipol si Ross. Hindi nga lang niya alam kung sarkastiko iyon o talagang napabilib niya ito sa attitude niya. May palagay siyang sarkastiko iyon. Si Art ay nagalit. “Go home. Sinabi ko na sa iyo na humanap ka na ng ibang trabaho. You are fired.” “Art,” saway ni Ross pero hindi nito pinansin ang kaibigan. Matalim ang tingin nito sa kaniya. Itinaas niya ang noo at tinatagan ang pagsalubong ng tingin sa mga mata ng binata. “I will not abandon you, boss. Kapag magaling ka na talaga at hindi mo na kailangan ang mga saklay na iyan, kapag hindi ka na nagtatago sa madla, kapag dumating na ang araw na iyon at paalisin mo pa rin ako sige aalis ako. Pero hindi ngayon.” Nagtagis ang mga tingin nila. Pilit itinago ni Charlene ang tunay niyang nadarama para hindi nito mabasa sa kanyang mga mata. Let me stay. I want to stay. “O tama na iyan,” basag ni Ross sa katahimikan. Tinapik nito sa balikat si Art. “Pasok na at umupo ka. Mangangalay ka at kanina ka pa nakasaklay. Hayaan mo na siya. Mabuti nga iyan may kasama ka dito. Ayaw mo naman kumuha ng caretaker kaya siya na lang.” “Tama siya. Hindi ka pwedeng walang kasama dito. Kaya huwag ka na magreklamo, boss,” sang-ayon ni Charlene na talagang nakahinga ng maluwag na mukhang hindi siya ibibisto ni Ross. Tumiim ang bagang ni Art pero mukhang hindi na siya palalayasin. Sa halip ay kumilos ito para tuluyang pumasok. Agad na lumapit siya para alalayan ito pero isang tingin lang mula sa binata ay huminto siya. Saka ito mag-isang humakbang palapit sa sofa. Nang makaupo ay may butil na ng pawis ang mukha ni Art, halatang nahirapan at nasaktan sa ginawa. Kumirot ang puso niya at uminit ang kanyang mga mata na nakikita niya ang lalaking dati ay palaging kumikilos at umaapaw sa enerhiya na paglalakad lang ay nahihirapan ngayon. Pero kailangan niyang umakto na hindi siya naiiyak sa nakikita niya. Alam niya na ayaw ni Art na kaawaan ito. Tumikhim si Charlene. “Nagugutom na ba kayo? Magluluto ako para makakain na.” “Ah. Ipapasok ko lang ang maleta ni Art at aalis na rin ako. Kailangan ko magpunta sa law firm. Kayo na lang ang kumain,” nakangiting sabi ni Ross. Saka lumabas ulit ng resthouse. Napagsolo sila ni Art na naningkit ang mga mata habang nakatingin sa kaniya. “Paano mo nalaman na pupunta ako dito ngayon? I don’t even own this resthouse. At ikaw ay nakapasok? Sino ang nagbigay sa iyo ng susi?” Napatikhim si Charlene at mabilis na humanap ng sagot sa isip maliban sa katotohanang may sarili siyang susi ng resthouse, bigay ng kuya niya. Nang may maisip ay sinalubong niya ng tingin ang mga mata ng binata. “Sinabi sa akin ni Keith. M-magkakilala kami. K-kaya nakapasok din ako sa building ninyo kahapon.” Kumunot ang noo ni Art. “Kailan pa kayo nagkakilala? Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Kumibot ang mga labi ni Charlene. Medyo nainis siya sa tono nito na para bang lahat ng tungkol sa kaniya ay dapat nitong malaman. Hindi niya tuloy napigilan ang magparungit. “Paano ko sasabihin? Masyado kang busy sa nakaraang mga buwan. Hindi lang dahil marami kang projects kung hindi atat ka palagi umalis tuwing wala tayong ginagawa.” Kasi nakilala mo si Mylene. Kasi mula nang dumating siya sa buhay mo parati kang parang sinisilihan na umalis at makita siya. Nilunok niya ang emosyong bumikig sa kanyang lalamunan. “Anyway, hindi naman importante kung magkakilala pala kami. Ang mahalaga ngayon ay bumuti ang kalagayan mo.” Pinakatitigan siya ni Art. Hindi na galit. Pero para siya nitong binabasa. Kinabahan siya na baka malaman nito na may hidden agenda siya kung bakit niya ginagawa ito. Na hindi lang trabaho para sa kaniya na samahan at alagaan ito. “Sinabi ko na sa iyo na humanap ka ng ibang trabaho,” basag ng binata sa katahimikan. “At sinabi ko nang gagawin ko iyon kung gusto mo. Pero kapag magaling ka na.” Marahas na bumuga ng hangin si Art at nagulo ng mga kamay ang buhok. “You are so persistent,” frustrated na ungol nito. Napangiti tuloy si Charlene. “Dapat alam mo na iyan, boss. Two years mo na akong assistant. Sige, magluluto na ako ha? Siguradong gutom ka na.” Iyon lang at mabilis na siyang tumalikod para magpunta sa kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD