Chapter 12 Hindi Maiintindihan

626 Words
"Naku sir tulog na si Janine,kailangan ng ihahatid sa apartment niya.."Ok we're done ako na maghatid sa kanya.."Sige Sir,pakiingatan nalang yang kaibigan namin."Dere deretso na silang nasipaglabasan ng restaurant at buhat buhat ako ni Jake ngayon,hindi ko na alam kong ano ang nangyayari..Basta nilapag nalang niya ako sa backseat ng kotse niya at nilagyan ng seatbelt.          Jake Pov Dumating na kami sa apartment niya at sarap na sarap na ang tulog niya..Para itong anghel napakagaan tingnan at maaliwalas ang mukha.Kinuha ko ang susi sa bag niya para mabuksan ang pinto ng apartment niya.Dinala ko siya sa kwarto niya at dahan dahang nilapag sa kama.Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap,napahiga na ako sa kama niya.Mabuti nalang at double ang bed niya..Dahan dahan kong inalis ang kamay niya sa beywang ko at binuksan ko ang aircon.Kinumutan ko siya at inayos ang unan niya para makalabas na din ako at makauwe.."Goodnight Janine see you tomorrow.Ako na mismo nag alarm ng alarm clock niya para magising ito ng 6:30 Ng umaga.Ayon sa nakaset sa alarmclock niya sa table.    Lumabas na ako ng kwarto niya at ni lock ito,pati ang maindoor.Naawa ako sa kalagayan niya alam kong mahirap ang mag isa lalo na't babae siya.Nakarating ako ng condo ko naghilamos at nagtoothbrush.Iniisip ko si Janine ano kaya king dito nalang siya tumira sa condo ko dalawa naman ang kwarto dito.Hindi sa ganoong sitwasyon siya at nag iisa.            Janine Pov  Nagulat ako sa alarm ko at nagising sa kwarto ko maayos nga akong nakauwe,nagpapasalamat talaga ako kay Jake.Bumangon ako at naligo sa opis na ako mag aalmusal.Pagbaba ko ng apartment nagulat ako ng nakita ko si Jake.. "Sakay kana,dinaanan na kita para sabay na tayo pumasok."Hindi kaba dumaan sa restaurant?"Hindi na mayang hapon nalang sabay tayo magbreakfast sa office alam kong hindi kapa kumakain."Thank you pala sa paghatid mo sa akin kagabi."Ginawa ko lang ang tama by the way iniinbitahan ka ni mommy sa mansyon bukas doon kana daw magdinner sabay na tayo punta doon bukas."O..ok..Nakarating kami sa opis at pinagtitingnan kami ng ibang empleyado.Binati nila si Jake at ngumingiti lang ito.Bilib ako sa taong ito napakahumble at mahilig makipaghalubilo sa aming mga empleyado.Mula ngnoong nalaman sa kumpanya na anak siya ni Don Rafael ay araw-araw ng nakangiti ang mga empleyado dito kadi parang ang gaan na andito siya lagi para sa lahat..Dumiretso kami sa kantin at kumain ng almusal sarap ng kwentuhan namin hanggang oras na ng trabaho.Sabay na din kaming umakyat dahil magkatabi lang naman ang office namin.        "Janine may emergency meeting daw tara sa conference room..Bakit daw,about daw sa bagong kasosyo nitong kumpanya.."Tara na kung ganun!!Nagmamadali kami sa pagpasok at nakita namin si Carla. "Hindi na ako magpaligoy ligoy pa, ako nga pala ang bagong boss ninyo dito at hindi lang si Jake kaya mula ngayon Maam na ang itawag ninyo sa akin."Janine,kumusta siguro naman ngayon mahiya kana sa akin..             Nagulat ako sa inasta n'ya sa lagay ba na ito hindi na madali sa amin ang trabaho namin dito dahil may isang masungit at paki alamera na kaming makakasama araw-araw?Ang hindi ko lang maintindihan paano siya naging kasosyo ng kumpanyang ito at bakit wala si Jake sa meeting?Ayon sa kanya may inayos ito sa restaurant niya at 1 week daw wala kaya siya muna ang hahawak sa amin.  Hindi nga madali sa amin ang trabaho sa araw-araw dahil lagi itong nagraround at parang nangingi alam sa kung anong ginagawa namin.Hindi rin nagparamdam si Jake apat na araw na ang nakalipas..Malala ba talaga ang problema sa restaurant niya para hindi siya magaparamdam man lang?At tumunog ang cellphone ko si Jake,"Jha sorry hindi natuloy ang Dinner sa mansyon noong nakaraang araw next time nalang at may ikekwento ako sayo.May sasabihin akong mahalaga sayo.Napanatag ang loob ko dahil sa sinabi niya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD