Maaya's POV Ramdam ko ang tensyon ng bawat isa sa amin maliban lang kay Hannah na tuwang tuwa ngayon katabi si Rino. "What's the occation?" Basag ni Gray sa katahimikan. Nakaupo kaming pabilog habang nasa gitna ang sandamakmak na pagkain at inumin. Katabi ko si Hannah at Nicholas. Nasa pool area kami ngayon. "Welcome Home Party for me. Ako na ang gumawa. Hahahaha. Namiss ko kaya kayong lahat." Parang reunion 'to kaya hindi ko alam kung ano ba ang ginagawa ko dito. Walang tumawa sa sinabi ni Hannah "Galit ba kayo dahil umalis akong walang paalam? I'm sorry, that was a reckless decision of mine." Tumango lang si Rhodney sa sinabi ni Hannah at ininom ang beer na hawak niya. "Hindi ka na ba aalis ulit?" Tanong ni Blake at tsaka tinignan si Rino. "Hindi na. I will stay here para kay Rino.

