Maaya's POV Hanggang 11PM lang ang trabaho ko sa bar kaya out ko na. Hanggang 2PM kasi bukas ang bar at may mga substitute naman kapag kailangan ng umalis ng isang employee. "Aya!" Narinig kong tawag ni Styx sa akin kaya napalingon ako at nakita ko siyang nakasakay sa isang motorcycle. "Bakit?" "Ihahatid na kita." Sabi ni Styx at tinanggal ang helmet niya tsaka lumapit sa akin. "Huh? Tapos ka na ba sa trabaho mo?" Tanong ko sa kanya. "Oo. Pareho lang ang oras ng out natin." Sabi niya at nilagay ang helmet na suot niya kanina sa akin. "Wala kang helmet?" Tanong ko habang nasa likod niya ako at nakasunod papunta sa motorsiklo niyang kulay itim. "Isa lang ang helmet ko at suot mo." Pinaandar na niya ang motor nito. "Siguro kailangan ko ng bumili ng isa pa

