Maaya's POV Papunta ako ngayon sa bahay ni Styx kasama si Fate. May usapan kasi kami na pupunta kami sa resort ngayon kasama ang barkada para maligo para icelebrate ang graduation nila. "Mommy, kailan ko makikita si Daddy??" Tanong ni Fate habang naglalakad kami hawak ko ang kamay niya. Hindi na ako nagulat sa tanong ni Fate dahil halos lagi niya naman iyong tanong. "Soon baby." As usual, napasimangot na naman si Fate sa sagot ko. She keeps asking about her father pero never pa siyang nagtanong kung bakit hindi namin siya kasama. I know she's very curious about it but she's hesitant to ask dahil baka hindi ko sagutin. "Wow!! Is that a car?" Patakbong lumapit si Fate sa magarang kotse at binitawan ang kamay ko. Kulay itim at makintab ang kotse na parang wala pang kahit ano

