Maaya's POV Pagkatapos nang libing ng parents ni Gray ay unti-unti namang bumalik sa normal ang lahat. Laging pumunta ng bahay ang mga kaibigan ni Rino dito pero laging wala naman si Rino dahil busy sa company nila. "Ang laki na ng tiyan mo. Wala ka bang nararamdaman na masakit o weird?" Tanong ni Ericka habang kumakain kami at nakaupo sa sofa. "Wala naman. Minsan sumasakit yung likod ko at nahihilo pa din. Sensetive din ang pang-amoy ko." "What trimester na ba ang pergnancy mo?" Tanong naman ni Stacey. "Sabi ni Doctor Dale ay second trimester na daw." "Ilang weeks na kung ganun?" Tanong din ni Stacey habang kumakain ng dala niya mismong pagkain. "15 weeks na yata akong buntis." Sagot ko sa kanila. "15 weeks pa lang? Ilang months pa kaming maghahanap ng grapes." Biglang saad ng kak

