Maaya's POV Hawak hawak ko na ang resulta ng DNA test. Ako na ang kumuha kay Doctor Dale mag-isa dahil alam kong busy si Rino sa buhay niya. Nang makapasok ako sa loob ng bahay ni Rino ay nandito lahat ng kaibigan niya maliban lang kay Rhodney. Dire-diretso lang ang lakad ko papalapit kay Rino at inabot sa kanya ang envelope. Nagsiksikan sila para makita ang DNA result. Nanatiling tahimik silang lahat habang titig na titig pa din sa DNA result. "Positive." basag sa katahimikan ni Nicholas pero ang tingin ko ay hindi ko inalis kay Rino na seryoso lang nakatitig sa DNA result. Pinagmasdan ko ng mabuti ang reaksyon ni Rino. Pero seryoso lang talaga siyang nakatitig sa DNA test result. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya. "Bibili lang ako ng pagkain." sambit ko na lang. Nang makalabas na

