Episode 19

1608 Words
Napayuko na lang at humigpit ang pagkakahawak ko sa aking baso bakit? bigla kong naalala ang sinabi ni alex "My my my so hindi po alam?" "Ang alin?" "Thats rude asleif nagsasalita pa ako" Sinadya ba ni asleif na tirahin si alex nun para hindi niya masabi sa akin? o nagkataon lang tumira siya? pero bakit hindi nila sinabi sa akin ni prinsipe si althalos? Bakit wala akong alam? may dapat ba akong malaman tulad ng sabi ni alex? bakit hindi ko sila kilala? bakit sila naglilihim sa akin? bakit sila nagsinunangaling sa akin? Wala namang sinabi si asleif sa akin na prinsipe o ano tinignan ko si asleif hindi totoo yung bahay na pinakita niya sa akin? hindi rin ba totoo ang lahat na yun? ano pa ba ang mga sinungaling na salita ang sinabi niya? Ganun na ba talaga ako sa paningin nila? hindi mapagkakatiwalaan? at nagawa nila sa akin yun? katulad lang din pala sila ni theron "Oy keira okay ka lang?" asleif "Why are you crying? masama ba ang pakiramdam mo? may masakit ba?" althalos Nakikita ko naman ang pag-aalala nila sa akin pati ba yan? peke? nakikipagkapwa tao lang ba sila sa akin? naawa ba sila kaya ganito na lang sila sa akin? "Hey magsalita ka" asleif "Bakit ka ba umiiyak?" althalos Doon ko lang namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko habang nakatingin sa kanila "Sabihin niyo nga sino ba talaga kayo?" Napatigil naman sila sa tanong ko hindi nila inaaasahan na itatanong ko sa kanila yun "Keira" althalos "Bakit ka nagsinunangaling sa akin asleif?" Lumaki ang mata niya pero lumambot din ang ekspressiong iyon i try to composed myself ayaw kong makita nila akong umiyak sa harapan nila na parang bata na naisahan "Keira i have my explanation" asleif "Bakit hindi niyo sinabi sa akin na ganyan pala si althalos? bakit hindi mo sinabi althalos? ganyan na ba talaga ako sa inyung paningin? na hindi mapagkakatiwalaang tao kaya naglilihim kayo sa akin? ha? " my voice crack "Ikaw asleif? sa loob ng isang taon nating pagkakaibigan lahat na pala yun ay puro kasinungalingan?? bakit? nagpakatotoo naman ako ah? pinakita ko sayo kung ano ako!" "Keira" sabay nilang sambit "Wala kayong pinagkaiba kay theron! naniwala ako sayo asleif yun pala... ikaw ang walang tiwala sa akin... at ikaw din pala ang nagsisinungaling" Hindi ko na napigilan at tuluyan na akong napaiyak kaya tumalikod na lang ako sa kanila at pumasok sa palasyo rinig ko ang pagtawag nila sa akin pangalan pero wala akong pakialam Pagkapasok ko nakatingin sa akin mga kasambahay kaya yumuko at tumakbo papunta sa taas mabuti na lang at naalala ko ang aking kwarto kung nasaan ito kaya doon ako pumunta Pagkapasok ko ay agad kong nilock ang pinto at dumapa sa kama doon ko binuhos ang sama ng loob ko bakit? bakit? gusto ko ng umuwi hindi naman ako welcome sa lugar na ito eh! Lady sherilo bakit pa ba kasi mo ako iniwan? dapat pinauwi mo muna ako eh! sinunud ko naman ang sinabi mo ah na ilihim ang apelyedo ko sa iba pero bakit hindi mo ako pinauwi? isa ka rin ba sa mga naglilihim at nagsisinungaling sa akin?? Wala akong ginawa kundi umiyak ang sakit isipin na lahat pala ay kasinungalingan? ano ba kasi talaga ang meron? bakit wala akong alam? Ng tumahan na ako nakatunganga lang ako nakahiga hanggang sa dalawin ako ng antok at natulog *HAKU POV* "Ikaw na!" althalos "Anong ako? ikaw!" asleif "Bakit? ako ba ang nagsinungaling sa kanya?" althalos "Bahay mo toh kaya ikaw ang kumatok! at tsaka bakit kasalanan ko lang? naglihim ka rin naman sa kanya kung sino ka talaga" asleif "Tumahimik nga kayong dalawa kanina pa kayo nag-aaway sa harap ng pinto ni keira baka magising yun" zeva "Edi mas mabuti para hindi na namin gigisingin" asleif "Paano kung masama ang gising niya dahil sa ingay niyo? dahil gusto niya pang matulog tapos ang ingay niyo? alam niyo naman siguro ang mangyayari di ba? i look at them darkly Napalunok naman silang dalawa at nagkatinginan may kung ano silang naalala "Ikaw na kasi sabi eh!" althalos "Ikaw" asleif "Kayo na lang dalawa kasalanan niyo naman dalawa kung bakit umiyak yun kagabi" "Tama si haku.. gisingin niyo na para makakain na yun ng agahan" zeva Sabay na kumatok ang dalawa sa pinto at tinawag ang pangalan ni keira pero walang sumasagot mula sa loob "Baka wala siya diyan?" zeva "Buksan niyo kaya para malaman natin" "Pero paano kung..." althalos Sa walang pagdadalawang isip binuksan agad ni asleif ang pinto pero hindi sila pumasok agad naghihintay sila kung may sisigaw ba o ano pero wala Unang pinasok nila ang kanilang ulo at sumilip hanggang sa tuluyan silang pumasok napabuga nalang kami ng hangin ni zeva sa kanilang dalawa para silang pumasok sa lungga ng kalaban na dapat mag-ingat Sumunod na lang kami sa kanila pero walang keira na nakahiga sa kama kinatok namin ang banyo pero wala kaya binuksan ni althalos at gaya ng ginawa nila kanina na nag-iingat talaga pero wala si keira doon "Kaya pala ang tahimik kasi wala siya dito" asleif "Oo nga dahil kung nandito siya at tama naman na naliligo o nagbibihis siya paniguradong kanina pa tayo lumipad sa kung saan" althalos "Tignan niyo bukas ang bintana" sabay turo ni zeva sa bintana na sinasayaw ang kurtina sa hangin "Sa tingin niyo? lumayas kaya siya? tulad nung unang dating niya sa knavesmine?" "Hindi pwede! hindi ngayon kung kailan pinaghahanap na siya at alam na nila kung sino siya" althalos "Dammit! bakit ba ang tigas ng bungo ng babaeng iyon! ang lakas ng loob niyang maglayas kahit na hindi niya alam na baka mamatay siya sa daan" asleif "Hindi pa tayo nakakasiguro hanapin natin siya dito sa loob at sa paligid ng kaharian" "Kami na lang ni asleif sa bayan magpadala na lang kayo ng ibang sundalo doon para maghanap" zeva "Sige sasabihan ko muna sila maghanap ka naka haku" althalos Lumipad na ako paalis hinanap ko ang bawat sulok sa loob ng palasyo pero walang keira akong mahanap shesssh!! asan na ba ang baabeng iyon? baka mapahamak siya kung talagang umalis siya dito Ng hindi ko talaga siya mahanap sa loob lumabas ako at dito sa paligid ng palasayo naghanap sa harap, magkabilang gilid at likod tsk! dito na nga ako sa itaas naghahanap para makita ko ng mabuti ang ibaba pero wala talaga On the right side of the castle outside of the wall is a plain green fields na may konting puno at lawa na konektado sa kung saan dahil may umaagos na tubig dito Hindi ko alam pero parang feeling ko dapat maghanap din ako doon kaya lumipad ako doon hindi mahirap hanapin kasi hindi naman marami ang puno dito at hindi naman nagkadikit dikit Bumaba ako ng konti sa paglipad may puno akong nalagpasan may nahagip ang mata ko doon kaya napatigil ako huh? bumalik ako sa aking daan at tumigil sa punong iyon Pero wala naman akong nakita aalis na sana ako ng may nakita ako sa likod ng puno na isang tela? damit ba yan? hmmm dahan dahan akong lumipad pataas at pumasok sa makapal ng dahon nito *KEIRA POV* Maaga akong nagising ayaw ko naman malaman nila nangising na ako kaya binuksan ko ang bintana sa aking kwarto at tumingin sa ibaba napalunok ako ng laway ang taas Paano ba toh? wala naman akong mahikang makakapaglipad o makapaglutang sa akin aha! ang talino ko talaga wala ng mas gegenius sa akin sa mga ganitong bagay "Seven star swords!" Nagsilabasan naman ang mga espada at tinusok ko yun sa dingding na nasa labas pero kulang pa gumawa ako ng labing apat na espada at pramis guys nakakapagod kagaya ng ginawa ko sa pito ganun din ang ginawa ko sa labing apat "Tama na siguro yan pwede na" Tumuntong na ako sa bintana at humarap ako sa aking kwarto at dahan dahan bumaba inapak ko ang aking paa sa mga espada na nasa dingding na tinusok ko doon rin ako humawak hanggang sa nakababa ako "Wew! ayos! lodi ko na ang sarili ko sa ganito" Nawala naman yung mga umiilaw na espada at patakbo akong umalis patago tago ako at patigil tiglpil sa takbo dahil may mga kasambahay at sundalo na naglalakad at nagbabantay Hindi ako pwede dumaan sa gate makikita lang ako doon gusto ko pa naman mapag-isa ngayon at makapagrelax when i get passed through i saw a wall A wall huh!? edi akyatin hahah ginawa ko kung ano ang ginawa ko kanina nang bumaba ako sa aking kwarto pagdating ko sa ibabaw tumalon na ako pababa sa kabila "Yes success!" mahina kung sambit Pagtingin ko sa paligid wow! ang ganda! may lawa at ang green masyado ng damu tumakbo ako papaunta doon sa may lawa ang lawak ng damuhan Ng makarating na ako sa may mga puno doon ko lang narealize na apple pala ang puno na ito omo! first time kong mamitas ng apple mula sa puno Umakyat ako ha! sanay talaga ako sa mga akyatan pwede na akong maging akyat bahay nito kung maging robin hood na lang kaya ako? girl version Ng makarating ako sa sanga ng puno kumuha ako ng isang mansanas na green at kumagat srulala ang sarap ang tamis mas matamis pa sa red Lumaki ang mata ko ng makita kong lumagpas sa kinatatayuan ko si haku na lumilipad ack! sumilip ako hala tumigil nakita ako dali dali akong lumipat sa likod ng puno at sumandal doon Bigla na lang may lumabas na isang lobo mula sa mga dahon sa puno na ikinagulat ko "BOO!" "KYAAAHHH!!" sigaw ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD