***Mira POV*** NAKANGITI ako habang isa isang binubuksan ang mga regalong binigay sa amin ni Alessandro. Pero ako lang ang nag u-unboxing dahil si Alessandro ay katoma pa ni papa sa terrace kasama ang mga tiyuhin ko. Wala naman kasi akong ginagawa. Tapos na ang kasiyahan sa labas dahil lumalalim na ang gabi. Nakaligpit na rin doon at malinis na. Ang mga kamag anak ko naman at mga pinsan ay nag si-uwian na. Ganun din si Senyor Mariano at ang mag asawang Sir Remus at Ate Floreza. Nag paalam na rin silang babalik na ng Manila dahil may appointment pa raw bukas si Sir Remus. Si Kuya Bryce naman at Ate Stacey ay kanina pa umuwi dahil nagmumuryot na si Baby Tim. Pero si Kuya Bryce ay bumalik din dito at kasalo na sya nila Alessandro sa inuman. Ang tanging naiwan na lang dito sa bahay ay si m

