***Mira POV*** "ANG dami nyo palang alagang baboy, Tiyong Lauro." Sambit ni Ate Stacey habang sapo nya ang malaking tiyan. "Nabawasan na nga yan dahil may bumili ng singkwenta kagabi." Sabi ni papa. "Naku, eh di malaki pala ang kinita nyo kagabi." "Malaki laki din naman." Lowkey na tugon ni papa. "Mayaman na pala kayo Tiyong Lauro. Malaki ang kinikita sa baboy di po ba?" "Maganda rin naman ang kitaan sa pagbababoy. Malaki din ang kinikita. Huwag nga lang tamaan ng peste dahil malaking lugi talaga. Yun ang pinaka iniiwasan ko. Ang problema kasi sa mga baboy kapag may sakit ang isa mabilis mahawa ang iba. Kaya dapat agapan. I-isolate agad ang may sakit para di na makahawa pa sa iba." Tumango tango si Ate Stacey. "Pero may litsunan din po kayo at gumagawa din kayo ng longganisa.

