***Mira POV*** TAHIMIK lang akong kumakain habang nag uusap pa rin sa hapag kainan si papa at si Alessandro. Pinag uusapan ulit nila ang tungkol sa kasal namin. Ang plano ay sa huwes kami ikakasal para mabilis. May kilalang judge si Alessandro at gusto nya na yun ang magkasal sa aming dalawa. Ang tungkol naman sa pagbubuntis ko ay alam na rin ni Alessandro na three months mahigit na ang tiyan ko. Ang set up naman naming dalawa pagkatapos ng kasal ay magsasama na kami pero tuloy pa rin ang pag aaral ko hanggang matapos ang school year. Ngayon pa lang ay may kakaiba ng kaba sa dibdib ko sa pagsasama namin ni Alessandro. Hindi ko alam kung ano ang magiging takbo ng pagsasama namin bilang mag asawa. May takot din akong nararamdaman dahil baka hindi ko magampanan ng tama ang tungkulin ng isa

