***Alessandro POV*** "HOW'S your property in San Jose?" Dahan dahan kong inimom ang alak sa baso ko at tumingin kay Remus na prenteng nakaupo sa couch na kaharap ko. "Everything is well." Tugon ko kay Remus. Ngumisi sya at ginalaw paikot ang basong hawak. "Talagang sineryoso mo ang pagbili ng lupain dito sa Pinas." "You influenced me. Ang sabi mo ay magandang investment ang lupa dito sa Pilipinas." Nakangisi ring wika ko at muling sinalinan ng alak ang baso. "Indeed. Dahil sa bawat taon na lumilipas ay tumataas din ang value nito. And I remembered that you once said you wanted to retire here in the Philippines when you get old." Napangisi ako sa sinabi nya at muling sinimsim ang alak sa baso. "You still remember that, huh.." Ako at si Remus ay second cousins. Grand uncle ko si

