***Mira POV*** TUMINGIN ako sa pinto ng kwarto ko nang bumukas yun. Pumasok si mama at lumapit sa akin. "Mira anak, kamusta na ang pakiramdam mo?" Malambing na tanong ni mama at umupo sa gilid ng kama ko sabay sapo sa noo at leeg ko. "Medyo masakit pa rin po ang katawan ko, ma.." Sabi ko. "Medyo mainit ka pa rin nga. Nakainom ka na ba ng gamot?" Tumango naman ako. "Sabi ko naman kasi sayo huwag kang nag papaulan. Hayan, nilalagnat ka ngayon." Ngumuso ako at hindi umimik. Buong akala ni mama na nilagnat ako dahil naulanan ako kahapon pagpunta ko resthouse. Pero ang totoo, nilalagnat ako dahil sa kumikirot kong gitna. Naiibsan na nga yun paunti unti dahil sa iniinom kong gamot. Dinadampian ko rin yun ng hot compress sa gabi. "Bukas kapag hindi ka pa gumaling ay huwag ka munang

