***Mira POV*** TUWANG tuwa ako kay Baby Timothy habang karga ko sya. Four months na sya pero ang laki laki na nya. Parang isang taong gulang na at ang bigat pa. Solid ang mga taba taba nya. Parang longganisa pa ang mga braso nyang matataba. Naisip ko tuloy ang magiging baby ko. Sana kasing lusog din sya ni Baby Timothy paglabas nya. Sino kaya ang magiging kamukha nya sa amin ni Alessandro? Kung babae sana ako. At kung lalaki sana ay sya ang kamukha. "Naku 'nak, mukhang tuwang tuwa sayo si Baby Timothy. Ang tahimik o. Samantalang kanina nung ako ang may karga panay ang iyak." Sabi ni papa habang kumakain ng dessert. Tumawa naman ako at tiningnan ang mukha ni Baby Timothy na tahimik lang habang karga ko. "Baka po natakot sa inyo, pa." Nilapit ni papa ang mukha nya kay Baby Timothy

