Felia Walang katok-katok kung binuksan yong pinto at basta nalang pumasok. Nasa amin lahat nang kanilang atensyon pati ang gurong nagtuturo ay napatigil. Napangisi ako ng makita ko kung sino ang teacher namin ngayon. Pero ganon nalang ang panlalamig ko ng makita ko si Grandpa. Nakaupo siya sa pinaka unang upuan sa harapan. Hindi ko siyanagad napansin dahil natatakpan siya ng kakalse naming si Ara. Pesteng Yawa. Bakit nandito tong matandang to? Bakit wala man lang ni isa sa pamilya ko na nandito na pala si Uma. Pamilya ko ba talaga sila? Peste malamang hindi. Hindi Naman sinabi sa akin eh. "Good Morn—ing Ma'am!" pilit ang ngiting binati ko si Ma'am Yra. Dapat pala ay maging mabait ako at magalang. Baka pagalitan nalang ako ng magandang to sa harap ng mga kaklase ko. Edi nawala ang a

