Felia "Ano na, Levy? Wala na bang mas ibibilis pa 'tong pagpapatakbo mo?" inis na asik ko sa kaniya. Alam kong sinasadya niya naman, e. Dapat kanina pa kami naroon, pero nakapakupad naman nitong magpatakbo. Puwede namang mag-overtake paminsan-minsan, e. Ang for goodness' sake. Talagang irarason niya pa talaga sa akin na baka daw maaksidente kami, e bilang nga sa daliri ang mga sasakyang nadaanan namin! Late na late na ako. Kanina ko pa nga siya binubulyawan pero wala siyang naririnig. Talagang iniinis ako. Gumagawa talaga siya ng paaraan para hindi na ako matuloy. Kanina pa rin tawag nang tawag si Africa. Para mag -update sa akin. Pinaumpisahan ko na iyong ibang race. Panghuli daw kasi iyong mga magagaling. "Pagdating natin huwag ka nang bumaba sa kotse, "I said. Napalingon ako sa

