Felia "Hindi ka ba nahihirapan dito sa apo kung ito?" tanong ni Uma kay Levy. "Medyo may katigasan ang ulo pero, kaya naman po nadadaan pa sa lambing!" nakangiting anang ni Levy. Umirap ako. "Kanino paba mag namana yan kundi sa tatay niya ring matigas ang ulo, mabuti nga at takot siya dito kay Avela!" ani Grandpa. "Papa, ibang ulo ang tumitigas sa akin at itong pinaka mamahal kong asawa lang ang nakaka alam kung paano niya ito papakalmahin haha!" ani Papa na may dubling meaning. "Yang bunganga mo Dong ah! nakakahiya sa anak mo at kay Levy!" tinampal pa ni Mommy Ang braso ni Daddy. Tuwang tuwa naman si Uma. Tinitignan ko lang siya habang masayang pinapanuod niya ang mga magulang ko. Kahit hindi niya sabihin ay alam ko namang na mi-miss niya na si Ama. Naka ngiti siya pero may lungkot

