Chapter 16

1275 Words
Felia Nang makalabas ako ay hindi ko na hinintay pa si Levy maglakad na ako paalis. Pero ng ilang segundo lang ay nasa gilid ko na siya. Tumigil ako at matalim ang mata ko siyang nilingon. "Bumalik ka na roon, hindi kita kailangan!" naka cross ang mga braso kong wika pinipigilan ang pagdaing dahil kumirot na naman ang aking likuran. "Let's go." Seryosong sabi niya at hinawakan ang kamay ko saka niya ako hinila. Mabagal ang paglalakad niya pero halos makaladkad niya na ako. Damn does long legs of him. "Faster, Felia!" Sabi niya. Halatang naiinis na siya. "Tanga ka pala, e. Kaya nga ako pupunta sa clinic kasi may masakit sa akin tapos gusto mong bilisan ko pa ang paglalakad ko. Utak, Levy nasaan?" Tinignan niya ako at bumuntonghininga. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat ng buhatin niya ako. Napapikit ako habang nakakuyom ang mga kamay sa kaniyang braso ng kumirot ang aking likod dahil sa braso niyang nakapulupot. Pigil na pigil ang pagdaing ko. Iniiwasan ko ang mga nanunuring tingin niya. Umigting ang kaniyang panga siyang nag-iwas ng tingin. Sa hitsura niya ay alam kong may alam na siya. "Where did you get that?" he asked. Pumikit ako at nagkunwaring natutulog. Umiiwas na sagutin ang tanong niya. "Felia!" He seemed so impatient and angry this time. Kinagat ko ang aking labi para napigilan ang aking sarili na huwag mag salita. He opened the clinic door and closed it carefully. Hanggang sa makapasok kami ay nakapikit pa rin ako. "Anong nangyari?" tanong ni Nurse Cha. Pumasok kaming muli sa isang kuwarto at pinahiga ako ni Levy sa mini bed pagkatapos ay tumayo sa aking gilid. "May pasa sa likod." Kahit nakapikit ay alam kong matalim na nakatitig sa akin si Levy. "O, sige kukuha lang ako ng gamot," wika ni Nurse Cha. Minulat ko ang isang mata ko at ganon nalang ang pagpikit kong muli ng masalubong ko ang matalim na tingin ni Levy. "Where did you get that, Felia?" tanong niya. Bumuntonghininga ako at saka nagmulat ng mata. "Ano pang ginagawa mo rito bumalik kana roon!" hiyaw ko sa kaniya. "Godanmit! Can't you just answer my question?" he hissed. Inirapan ko siya. Asa naman siyang sasabihin ko sa kaniya. Alam ko naman na magsusumbong lang siya kay Grandpa. Walang tigil na sermon na naman ako kapag nalaman niyang nakipag-away na naman ako. "What?" I asked when I saw him staring intently at me. "Wala akong ibang pagsasabihan. Now tell me the truth!" He bit the inside of his checks. "Bakit ako magpapaliwanag sayo? We're not in a relationship to update each other our daily lives. Kaya huwag kang mapilit diyan." I said simply. Sakto namang bumalik si Nurse Cha na may mga gamot ng dala. Oh, God. Nakalimutan kung mag fiencee na nga pala kami. Mabuti na lamang at hindi niya na ako sinita pa roon. "You can go, Levy!" Sabi ko. Tinitigan niya ako. "Gamutin mo na siya Nurse Cha," sabi niya at umupo pa sa sofa na nasa tabi lang ng aking hinihigaan ng nakadekwatro pa. "Umalis kana!" Kulang nalang ay matumba si Levy sa talim ng titig ko sa kaniya. Si Nurse Cha naman ay palipat-lipat lang ng tingin sa amin. Hindi alam kong sinong susundin. Kung hindi lang kumikirot itong likod kanina ko pa sinapak tong Levy na ito. Masakit na nga ang likod ko iinisin pa ako. "Bumalik kana lang sa klase mo, Levy. Bumalik ka na lang rito mamaya" Ani Nurse Cha. Pero itong si Levy parang walang narinig. Pumikit pa siya. Dahil sa gigil ay inabot ko ang bote ng alcohol at ibinato sa nakapikit na si Levy. Pero iniilagan niya lang ito. Ngumisi pa siya halatang inaasar ako. "Get out, Levy o ako ang lalabas?" banta ko. "Okay fine! Pupunta ako rito mamaya!" Sabi niya at tumayo siya at nakapamulsang nilingon si Nurse Cha tinanguan niya ito bago lumabas. *** Puta. Tangina. Gago. Putcha. Peste. Yan lang naman ang mga sinasabi ko sa isip ko. Pigil na pigil akong sabihin yan at dumaing habang dinadampi ni ni Nurse Cha cold compress sa pasa ko. Putcha sobrang lamig! Huwag lang magpapakita sa akin ang lalaking sumipa sa akin. Talagang hindi ko siya papalabasin ng ilang buwan sa ospital. "Bumalik ka rito bukas para e check ko yan ulit..." Sabi ni Nurse Cha habang nililigpit ang mga ginamit. Patagilid akong nakahiga ngayon sa kama. Nabawasan naman ang pamamaga dahil nga nilagyan ng cold compress kanina pero hindi pa siya tuluyang nawala kaya medyo makirot pa. "Magpahiga ka muna rito at huwag kang masiyadong gumalaw galaw pa!" Sabi niya bago ako iniwan. Gan'on nalang ang pagkakangiti ko dahil makakatulog na ako ngayon ng mahimbing. Walang bwisit na sturbo kaya susulitin ko na ang pagkakataong ito. Pero ganon nalang ang gulat ko ng sunod sunod na pumasok ang mga kaibigan ko. Kahit na magkunwari akong tulog rito ay hindi ako titigilan ng mga ito. Kahit isang oras man lang sanang matiwasay na pagtulog pero alam kong kahit isang minuto ay hindi ako pagbibigyan ng mga ito. "Sino na namang naka away mo't bakit nagkapasa ka?" tanong ni Celine. Naka cross ang mga braso sa dibdib at naka taas ang isang kilay sa akin. "Anong ginagawa mo rito dalawa?Ano nag cutting na Nasaan si Almira nanlalaki na naman ba?" tanong ko. "Ako ang unang nagtanong kaya sagutin mo muna ako!" Iritado niyang wika. "Wala akong pakialam kung nauna ka pang nag tanong!" Umirap ako. "Tinatanong kita ng maayos Felia, ah..." May pagbabanta sa boses niya. Akala naman nito matatakot ako sa banta banta niyang 'yan. "Good for you," nakangising wika ko. "Whatever..." sumusukong Sabi niya at tuluyang umupo sa tabi ko. "Anong nangyari diyan?" she asked again. "Hey guys, ito na ang mga pagkain!" malakas ang boses ni Almira na kakapasok lang. May dalawang lalaki sa likod niya na may mga hawak pang mga iba't-ibang pagkain. Putcha naman, o? When will I have a peaceful life? Nilingon ko si Celine na ngayon ay nakangiti na. Siniko ko siya kaya napabaling siya sa akin. "Bakit may mga pagkain kayong dala ha?" I asked. "Para may pagkain tayo rito habang binabantayan ka namin. Mabuti sana kung malapit ang canteen rito puwede kaming pabalik balik! " Napapikit nalang ako ng mariin. "This isn't a picnic, Cen!" pangaral ko sa kanila. "Let her be. So let's go back to our topic... Anong nangyari sayo at nagkapasa ka?" Tanong niya. ang kulit talaga ng isang ito. Alam kong hindi siya titigil hanggang sa hindi niya nalalaman ang totoo. "Binalikan ako ng Blacklight kaninang papasok na ako, Hindi kasi matanggap ng lampang Leader nila na natalo ko siya. Ayon nagdala pa kanina ng mga kasama. Akala ko naman uurungan ko siya. Ang lalaki ng katawan pero ang hihina naman swerte nga ng isa nasipa ako pero alam kong naghihingalo na yon ngayonsa ospital dahil sa mga suntok ko—" "Guys gusto niyo ng pasta?" tanong ni Almira na pinagsiwalang bahala lang naming dalawa ni Celine. "Wag lang siyang papakita sa akin ulit talagang good bye Philippines na siy—" "Ikaw, Levy gusto mo nang pasta?" tanong ni Almira. Natigil kami ni Celine sa aming diskusyon. Nanlaki ang mga mata kong nilingon siya at napabaling agad ng paningin ko sa nakapamulsang si Levy sa pinto habang pinagmamasdan ako. Putcha anong ginagawa nito rito? "Anong ginagawa mo rito? Kanina kapag ba diyan?" I calmly asked kahit na para na akong sasabog sa kaba. "Kanina pa siya nandito magkasunod lang kaming pumasok rito," Sabi ni Almira na kumakain na ng pasta. E, di narinig niya ang lahat ng usapan namin kung ganoon? Tangina! Itutuloy-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD