Felia
Nang maiparada niya ang sasakyan sa harapan ng malaking double doors namin ay huminga ako ng malalim. Binalingan ko siyang nakamasid din pala sa akin.
I bit my lower lip. I waited for his word but nothing came kaya ako na lang ang bumasag ng nakabibinging katahimikan sa gitna naming dalawa.
"Thanks for driving me home. Uhm... you wanna come inside?" I uttered while unbuckling my seat belt. Alam kong gabi na pero pambawi lang naman sa galit niya kanina ang pagiimbita ko.
Parang ang bastos din naman
kasi kung basta ko na lang siyang itataboy.
I glanced at my wrist watch. It's already eleven thirty in the evening and yet they are still awake? Kadalasan kasi sa mga ganitong oras ay nasa mga sarili na kaming silid at nagpapahinga na pero mukhang may kakaiba yata ngayon.
Hindi siya sumagot ngunit kinalas niya rin ang kaniyang seatbelt at bumaba. Mabilis siyang nakaikot sa tapat ng aking pinto para pagbuksan ako.
I didn't waste any time. Lumabas na rin ako sa kaniyang sasakyan.
Nang nakalabas na sa kaniyang sasakyan at nakapasok ay doon ko lang napagtanto ang presensiya ng mga taong hindi ko inaasahang makita sa gabing ito.
"What are you doing here?" Naguguluhan kong tanong na bumulabog sa pagiging abala nilang lahat.
My parents together with Vica, Kuya, and Grandpa are sitting on the sofa on the living room, all busy with their iPods and enjoying the company of each other.
"I miss you, anak!" Agad na tumayo si Mommy at mabilis na nilakad ang pagitan naming dalawa. She hugged me tight kaya naman napangiwi ako.
Nang maghiwalay kaming dalawa sa pagkakayakap ay sumimangot ako.
"Haven't you miss me? Why is your face like that?" Kunot noong tanong niya sa akin.
"Mommy, namiss ko kayo ni Daddy, okay? The only matter here is that, bakit ang hilig niyong umuwi nang wala man lang pasabi?" I asked.
"Ayaw mo lang kasi ng nasisita ka!" singit ni Vica na ikinairap ko.
Isa pa itong sulsol na ito, e!
"Akala ko ba next month pa kayo uuwi, ngayon bakit napaaga ata ang uwi niyo?"
"Good evening, Mr and Mrs. Dornan," bati ni Levy. Kung hindi pa siya nagsalita ay talagang nakalimutan kong kasama ko nga pala siya.
Nalipat ang atensyon ni Mommy sa kaniya. Kaagad na lumapad na ngiti ng aking ina nang nakita kung sino ang kasama ko.
"Good evening, Levy!" Tuwang-tuwang bati ni Mommy sa kaniya. Tuluyan na akong iwinaglit ng aking ina para daluhan si Levy. "And hijo, skip the formalities, tawagin mo na lang ako ng tita or better yet...Mommy. I think that's better," wika ni Mommy animo'y teenager na kinikilig.
"No problem, Tita..." maamong sagot ni Levy.
"Levy, halikayo at umupo kayo rito!" pagtawag ni Grandpa na kaagad naming sinunod. Umupo ako sa tabi ni Mommy at patay malisya ako ng umupo sa tabi ko si Levy. Nakita ko ang pagpigil ng hagikgik ni Mommy.
I rolled my eyes. Lahat na lang ba, Mom?
"Dad, can I go to my room now?" Vica asked.
Sa tanong niya pa lang na iyon ay alam kong bored na naman ang lukaret na ito. Wala rin naman kasing interesante sa moment na ito, e. Kayak malamang ay maiinip siya.
"Sandali lang, Vica!" si Grandpa na pinanlikahan pa ng mata si Vica.
"Hindi naman ikaw ang tinatanong, eh..." bulong ni Vica na rinig na rinig naman namin.
"Vica!" Pagbabanta ni Daddy na ikinasimangot naman ng kapatid ko.
Bubulong na nga lang, iyong maririnig pa ng lahat. Hay nako... when will you learn, Vica?
"Alam mo ba hija? Ang saya saya ko noong ibinalita sa amin ni Uma na fiancé mo na itong si Levy? Kaya nga umuwi kami agad!" Pumapalakpak pa si Mommy.
"Kaya pala nakasimangot itong si Daddy..." I smirked. "Mukhang ayaw pang umuwi, e. Bitin ka ba Dad?" pangaasar ko. Matalim ang mga mata ang isinagot niya sa akin. Kaya halos humagalpak ako sa pagtawa.
Bitin nga!
"Hindi ka magsisi rito kay Felia, Levy dahil mabait naman siya at maganda," pagmamalaki ni Mommy. Hindi nakaligtas sa akin ang pagirap ni Vica.
May masasabi ka na naman, Vica?
"Pero minsan ay may pagkamaldita rin ito kaya pagpasensyahan mo na sana," medyo tumatawang wika ni Grandpa.
"May pagkamayabang kaya laging napapa-away, pero hindi ko na siya hahayaang masangkot siya sa anumang gulo, kaya huwag kang matakot na sabihin sa akin kung nasangkot nang gulo itong si Felia," dagdag pa ni Grandpa.
"Grandpa!" Saway ko.
"Yes Mr. Dornan sasabihin ko sa inyo oras na gumawa siya ng anumang klase ng gulo!" makabuluhang sagot ni Levy.
"Excuse me?! For your information, hindi ako nakikipag-away or hindi ako gumagawa ng gulo. Lintik ka—"
How dare you, Levy!
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon?" tanong ni Levy. Napagtigil ako sa pagsasalita dahil roon.
Umirap ako at humalakipkip. Kung wala ang mga magulang ko rito ay kanina ko pa ito pinagsusuntok sa inis.
"Ano ka ba naman, Felia? Huwag mo ngang ganiyanin ang asawa mo!"
"What are you talking about? We're not married yet," sansala ko.
"Doon rin ang punta niyo. And coming from you, yet means papunta rin iyon doon."
Mga ilang minuto pa ang naging pag uusap naming hanggang sa mag paalam na uuwi na si Levy. At heto ako ngayon sa labas ng double doors namin para ihatid siya.
"Bye!" tipid kong wika. At 'saka ko siya hinalikan sa pisngi ng mabilisan.
"Sige na, umuwi ka na huwag mo nang hintayin na halikan kita sa lips dahil hindi iyon mangyari sa ngayon, tsaka na yon," sabi ko.
"I'll pick you up tommorow, then?" he asked.
"Why?" Takhang tanong ko. Sa pagkakaalam ko ay may sasakyan naman ako.
"Gusto ko lang. Got a problem with that?"
"Wow naman, Levy? Ikaw ba talaga yan? Hindi ka naman ganiyan sa akin noon ha? Tuwing magpapansin ako sa'yo noon at tuwing lapitan kita o kakausapin parang hindi ako nag e-exist sa'yo? Himala at talagang susunduin mo pa ako?" pigil ang tawa kong sinabi.
Kumunot ang nuo sabay ng pagtiim bagang niya tila hindi nagustuhan ang narinig niya mula sa akin.
"Stop being plastic again, Levy! Hindi mo naman kailangan magpakitang tao o magbait-baitan sa harapan ng iba. Huwag mo na akong sunduin bukas dahil una may sasakyan ako, pangalawa ayaw kong gawin mo ang isang bagay na labag sa loob mo!"
Titig na titig siya sa akin ngayon. Para bang tinatantiya ako.
"Are you done?" He asked.
"Oo kaya umalis ka na," pagtataboy ko.
"Lahat ng paratang mo ay hindi totoo ni isa wala kang tinamaan na tama Felia," he smirked.
"Huwag ka na ngang magsinungaling diyan alam kung napilitan ka lang na pumayag na maging fiancé ko!"
"Saan ka ba humuhugot ng lakas para sabihing napilitan lang ako sa'yo?" he asked seriously. Nakagat ko ang aking pangibaba ang labi.
"Ah, basta alam ko napipilitan ka lang!" Kimuyom pa ang aking mga kamao.
"No, I'm not!" Kung paano ako kaseryuso ay mas seryuso pa siya ng sabihin iyon.
"At isa pa, wala munang makakaalam na iba na mag fiancé at fiancee na tayo, maliban lang sa ating pamilya, okay?"
Kumunot ang nuo niya.
"Ayaw mong sabihin para makapanlalaki ka?" He raised a brow.
Dahil don sa narinig kong sinabi niya ay hindi ko napigilang sampalin siya. Nanlilisik ang mga matang dinuro ko siya.
"How dare you to say that? You asshole! Huwag mo akong i-judge dahil lang sa nakikita mong marami akong nakakasamang lalaki dahil hindi mo alam ang dahilan at ang tunay na nangyayari!"
Halos isigaw ko pa ang mga katagang iyon sa kaniya. Gustong gusto ko na siyang pagsusuntukan ngayon. Sobrang pagpipigil ko lang na huwag gawin sa kaniya.
itutuloy—