CHAPTER 15

1291 Words

NANLAKI ang mga mata ni Bianca at bumara sa lalamunan ang dapat ay sasabihin niya nang walang ano-anong lumapat ang mga labi ni Ross sa kanyang mga labi. Agad na nawala sa kanyang isip ang sasabihin. Natuon ang lahat ng pandama niya sa mainit at malambot na mga labi ni Ross. May init na humaplos sa kanyang puso, may tila mga paruparong nagliliparan sa kanyang sikmura at kuryenteng lumukob sa buong katawan niya dahil sa halik na iyon. Lalo pang lumapat ang katawan ni Bianca sa matigas na katawan ni Ross nang higitin siya palapit. Napapikit at napaungol siya nang maramdaman ang marahang pagkagat ng binata sa kanyang ibabang labi na para bang inuudyukan siya na ibuka ang kanyang mga labi. Umangat ang mga kamay niya at kumapit sa mga balikat ni Ross at bumuka ang bibig na tila may sariling i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD