CHAPTER 13

1810 Words

LUMALAGUTOK ang high heels ng sapatos ni Bianca habang naglalakad siya sa lobby ng gusaling kinaroroonan ng law firm ni Ferdinand Salvador. Nararamdaman niya ang mga tinging ipinupukol sa kanya ng mga tao sa paligid na lahat ay mukhang papasok sa trabaho. Natutulala ang mga lalaki habang nakatingin sa kanya, magkahalong inggit at paghanga naman ang makikita sa mukha ng mga babae. Salamat sa makeover na ipinilit ni Mrs. Charito sa kanya. Makintab na makintab ang mahaba at tuwid na buhok ni Bianca. Maging ang kanyang balat ay lalong kuminis at kumikinang dahil sa full body scrub at spa na pinagdalhan sa kanya ni Mrs. Charito. Ang suot na mamahaling bestida ay humahakab sa kanyang katawan, galing pa rin sa ginang. Ito rin ang nag-apply ng makeup sa kanya. Manipis lamang ang makeup subalit sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD