“ANG TAGAL niya.” Hindi na napigilan ni Ross ang mainip kasabay ng pagtayo mula sa bench na kinauupuan sa lobby. Nakakaramdam siya ng hindi magandang kutob kaya nagdesisyon siyang lumapit sa reception upang itanong kung ano ang room number ng ina ni Bianca. Mabuti na lang at ibinigay agad sa kanya ng nurse ang impormasyong kailangan. Mabilis siyang naglakad patungo sa silid ng nanay ni Bianca. Nasa harap na siya ng pinto at akmang kakatok na nang marinig ang boses ni Bianca mula sa loob. “Tinatanggap ko ang alok mo. Aalis kami ng Maynila. Lalayo kami at magpupunta sa lugar na hindi na magsasalubong ang mga landas natin. Iyon naman talaga ang plano ko umpisa pa lang.” Parang sinuntok ang sikmura ni Ross sa narinig. Aalis si Bianca? Iyon talaga ang plano ng dalaga? Even after the wonderfu

