KUMUNOT ang noo ni Charlie nang pagpasok niya sa common area ng Bachelor’s Pad ay napansin na may kulang sa mga dati ay regular na residenteng tumatambay roon kapag ganoong weekend night. “Nasaan sina Rob at Ross?” tanong niya nang makalapit kina Jay at Ryan na nasa bar counter. Napailing ang dalawa at inalok siya ng alak. “Si Rob, may dinner date daw sa pamilya ng fiancée niya,” sagot ni Ryan na himalang walang bitbit na laptop sa gabing iyon. Tuwing nakikita kasi ni Charlie si Ryan Decena, palaging nakatutok ang lalaki sa laptop at abala sa pagbabasa ng mga artikulo para sa sports magazine ng kompanya nito. Sa katunayan, mukhang pagod si Ryan na hindi mawari. “At si Ross, nagpunta uli sa Cebu para puntahan ang girlfriend niya,” sabi naman ni Jay at saka umiling. “Hindi ako makapa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


