CHAPTER 18

2032 Words

PUNO ng kasiyahan sa common area ng Bachelor’s Pad. Nasorpresa ang lahat nang dumating si Rob at ianunsiyo na engaged na ito kay Daisy Alcantara, ang tagapagmana ng isang malaking television network. Si Daisy ang babaeng isinama ni Rob sa nakaraang charity work ng mga residente ng Bachelor’s Pad kaya hindi na nagtaka sina Ross nang ianunsiyo ni Rob ang tungkol sa pag-alok nito ng kasal kay Daisy. Nakangiti si Ross habang nakikihalubilo sa mga kaibigan subalit pinipilit lang niyang umaktong masigla. Sa maikling sandali ay napakaraming nangyari na nagpapagulo sa kanyang isip. Everything kept leading him back to one name… Bianca. Nakita na naman niya ang dalaga sa law firm kanina. At muli, parang may lumalamutak sa kanyang dibdib tuwing pumapasok si Bianca sa private office ni Ferdinand S

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD