Chapter 34: Let's be friends Magpinsan sila, matalik na magkaibigan, at magkasama nang lumaki. Lalabas na sana ako ng kuwarto ni Stephen nang sabihin niyang – Get out! Alam kong si Ian ang sinasabihan niya pero sa tingin ko ay mag-aaway sila nang dahil sa akin. Hindi naman kailangan ni Ian na gawin pa iyon. Noon ko pa sinusubuan si Stephen simula nang nakabenda ang isa niyang kamay, nasanay na rin ako at nasanay na rin siguro si Stephen. Ramdam ko ang kamay ni Stephen sa aking kamay. Aalis na sana ako para wala nang away at ayaw ko rin na masaksihan kung paano sila magtalo dalawa, pero hinawakan ni Stephen ang kamay ko. Bumalik na naman ang kakaibang nararamdaman ko dahil sa paghawak niya pero hindi ko na ito inisip pa. “Ian, I said get out!” Napailing lang si Ian. Ano bang nangyay

