CHAPTER 1: ALIVE
“Maraming salamat, doc!"
“Okay, you may now leave and the patient!"
Nagising ako dahil sa may nag-uusap. Nang tuluyan akong makabangon ay puting kisame ang aking unang nakita. Inisip ko na baka ako ay nasa aking kuwarto pero hindi pala.
I'm in the hospital!
Hinawakan ko ang aking ulo dahil sa nararamdaman kong sakit na nagmumula rito at doon ko nalaman na may sugat ako.
Sinubukan kong alalahanin ang lahat ng nangyari at nang maalala ko ay bigla akong bumangon sa aking hinihigaan.
“A-aray!" Napadaing ako nang wala sa oras dahil sa kumirot ang sugat ko sa aking binti. May sugat din ako sa aking kanang braso. Bakit ang dami ko namang sugat?
“Oh! Ika'y gising na, tara bumangon ka na at nang makaalis na tayo," natatarantang sabi ng matanda.
Wala namang ibang tao dito at siguro ako ang kinakausap niya. Kilala ko ba siya? Hindi naman siguro ako nagka-amnesia.
“Ikaw ay huwag nang tumunganga diyan, bilis na at ikaw ay kumilos!"
Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya siguro lola ko siya. Kinuha niya ang aking bag at ibinigay ito sa akin. Madami siyang dinadalang mga gamit, galing yata siya sa palengke. Naabala ko pa tuloy siya.
“Oh! My goodness! My son, where is he?"
“You may sit there, Ma'am and wait for the doctor."
“No! I can't wait! Let me go inside of that room! I want to see my son!"
Bakit ang ingay sa kabilang kuwarto? Ano ba talagang nangyari? Ang naalala ko lang ay nadapa ako and maybe it's because I'm running too fast just to...
“Oh! No, Mom is leaving!" I try to find my phone but I stop because this old woman is making me shock and she drag me out of this room.
“Bilisan mo at aalis na tayo, nandito na sila!" she said nervously.
“T-teka po.. anong nangyayari?"
Hindi ko mapigilang magtanong sa kaniya kasi mas lalo akong naguguluhan.
Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad habang hawak niya ang aking isang kamay.
Hindi pa kami nakakalayo ay lumingon ako sa kuwarto na aming pinanggalingan. At nakita ko ang isang babae na nag-iingay kanina, siguro nasa hospital rin ang kaniyang anak. Nakakaawa naman.
Nami-miss ko tuloy si mommy pero anong oras na? Maybe I was too shy to approach this old woman. Hindi pa ako nakakapag-thank you sa kaniya. Marahil ay siya ang nagdala sa akin dito para magamot ang mga sugat na aking natamo.
Pero nagtataka pa rin ako bakit ang medyo marami ang sugat na aking natamo? Naalala ko lang ay nadapa ako pero imposible namang magkasugat ako ng ganito.
Gusto kong magtanong sa matandang aking kasama pero nahihiya akong kausapin siya. Ayaw ko rin mag-isip o subukang alalahanin ulit kung anuman ang nangyari. Aalis na si Mommy at iyon ang ayaw ko ng isipan pa. Ayaw ko nang alalahanin pa ang mga oras na naririto pa siya.
Tiningnan ko ang kamay ni Lola na nakahawak sa aking kaliwang kamay din. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti, tiningnan ko rin ang kaniyang mukha na bakas sa pag-alaala.
Gusto ko tuloy siyang yakapin nang mahigpit.
Na-miss ko tuloy si Mommy kahit sa pag-alis niya lang sana ngayon ay mayakap ko siya ng mahigpit.
Sa aming paglalakad palabas ng hospital na ito ay may nakasalubong kaming mag-ina. Sila ay nagmamadali at nagmamakaawa pa sa nurse na in-charge sa mga list ng patient and the room number.
Ang hirap ng sitwasyon kung may taong mahal ka sa buhay na nasa hospital. Kahit ni minsan ay hindi ko inisip na manuluyan dito.
Pero ano nga bang mas masakit ang may mahal ka sa buhay na narito sa hospital at patuloy na nagpapagaling o 'yong mga mahal mo sa buhay na iniwan ka na at hindi man lang nagdalawang isip na huwag ituloy ang pag-iwan sa 'yo?
Napatigil ako sa aking mga iniisip dahil mas binilisan ni Lola ang kaniyang paglalakad. Nahihirapan akong sabayan ang kaniyang mga paa.
I think mga nasa 65 years old siya at mas mabilis siyang maglakad kaysa sa akin kasi may sugat ako.
We are near at the exit door but before I forgot I look at the clock and it was 2:23 in the afternoon. Nakasakay na kaya si Mommy? But Tita Jenna said Mom's flight is at 3:40 o'clock in the afternoon, at tiyak hindi pa siya nakasakay.
I swear I really didn't know who is this old woman, pero sumama ako sa kaniya sumakay sa taxi. Habang buma byahe ay iniisip ko kung hahabulin ko ba si Mommy at kakausapin mamaya. My head is occupied by mom again. Kahit man pilit kong huwag isipin ay hindi ko magawa.
The taxi dropped us in a small store which written on it- Grandma's Ice Cream. Naalala ko dito ako nadapa pero bakit may mga police sa daanan at mukhang sila ay nag-i-investigate.
The old woman hurriedly get out this taxi and she drag me again after she paid.
“Iyuko mo ang iyong ulo iha," she whispered.
Why would I need to bow my head while walking? It's look like I'm hiding to someone. Sinunod ko na lang ang kaniyang sinabi at yumuko.
We enter to the small store that she owned. The place is so clean and I sit in one of the chair there. Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan kung anong oras na. It's already 3:20 PM.
Is Mom surely going to leave me? I always thinking of her and my heart starting to tight. Gusto ko siyang sundan at pigilan umalis.
Pero sa tingin ko ay hindi ko na dapat gawin iyon, nagdesisyon siyang umalis at iwan ako. Iyon ang kaniyang pinili at hindi ko siya mapipilit na samahan pa rin ako sa aking buhay. Gano'n naman e, wala sa mga magulang ko ang gusto akong makasama.
Nararamdaman ko na naman ang pagigilid ng aking mga luha sa mata. Gusto ko ulit ang umiyak ng umiyak hanggang sa mawala ang sakit na aking naramdaman. Umiyak lang ang alam kong dahilan para mabawasan kahit papaano ang sakit sa aking dibdib.
Ngunit, bago pa man ako makapaghahulgol sa iyak ay may ice cream na sa aking harapan. Doon lang bumalik sa aking isipan na may kasama pa la ako, agad ko namang pinunasan ang aking pisngi at kinuha ang ice-cream.
The old woman gave it to me.
“Thank you!" mahinang sabi ko at nagsimulang kumain.
“Tahan na! Ika'y huwag ng umiyak iha,” sabi niya at umupo sa aking harapan.
Hindi ko na siya tiningnan at nagpatuloy lang sa pagkain ng ice-cream.
“Hindi mo naman kasalan ang nangyari iha, sadyang may mga dahilan lang talaga ang bawat nangyayari rito sa mundo,” wika niya. “Magpasalamat ka sa panginoon dahil ika'y binigyan niya pa ng pangalawang buhay at huwag mo itong sayangin.”
Pangalawang buhay? – naguguluhan ako sa kaniyang mga sinasabi. B-bakit pangalawang buhay? Hindi ko tuloy maiwasang magtanong sa aking sarili.
Nasa hospital ako kanina at maaari nga iyon ang pangalawang buhay na ibinigay sa akin ni God dahil ako ay nagising. Maaring malala ang mga sugat na aking natamo.
“Ano po ang nagyari at paano niyo po ako dinala sa ospital lola?" tanong ko sabay angat ng aking ulo at sinulyapan siya.
Nakita ko ang reaksyon niya na parang gulat. “Hindi mo ba naalala ang lahat iha?"
“Naguguluhan ka pa rin siguro iha, ganito ang nangyari..." and she start talking.
I feel my tears in my cheeks and I don't know what to do. Patuloy pa rin siya sa pagkukuwento at tumigil na ako sa pagkain ng ice cream dahil nanginginig ang aking kamay.
Naririnig ko na rin ang mahinang kong hagulgol na pilit kong pinipigilan.
Naalala ko na ang lahat kaya pa la nasa hospital ako kanina.
Pilit kong nilalagay sa isipan ko na hindi totoo ang mga sinasabi ni Lola. Hindi p'wedeng gano'n ang nangyari. Hindi!
Alam na alam niya ang lahat ng nangyari at ayaw ko ng makinig sa mga sinasabi niya. Hinawakan ko ang aking magkabilang tenga para wala ng marinig pa sa kaniya.
Ngunit, kahit man tumigil na siya ay naririnig ko pa rin at naalala ang lahat.
Isang malakas na busina ng sasakyan at sigaw ng mga tao. Mga kamay na buong pwersa akong tinulak at matigas na semento ang sumalo sa akin.
Paulit-ulit iyong bumabalik sa aking isipan. Kahit man hanggang doon lang aking mga naalala ay hindi ko mapigilang hindi mataranta.
Bigla akong napatayo at nasikuhan ko ang tasa ng pinagkainan ko ng ice-cream. Nahulog ito sa sahig at nabasag. Agad naman siyang lumapit sa akin.
“Halika dito iha, dahan-dahan hayaan mo muna iyan dyan,” sabi niya at inilalayan ako.
Hinaplos niya ang aking buhok at mahigpit na niyakap ako. Mas lalo akong naiiyak nang maramdaman kong umiiyak din siya.
“Shh..tahan na, tama na yang kaiiyak mo mas lalo tuloy namamaga ang iyong mata,” pagtatahan niya sa akin at hinarap ako. “Oh, tingnan mo mas pumapangit ka niyan at maging ako naiiyak din sa 'yo.”
Binitiwan niya ako sa pagkakayakap at pinunasan nya ang kaniyang luha.
Humakbang ako papalit sa may bintana at tinignan ang lugar kung saan nangyari ang lahat. Muntik na akong mamatay at kung hindi dahil sa kaniya ay siguradong wala na ako ngayon sa mundong 'to.
Naiinis ako sa sarili ko bakit kailangan pa iyon mangyari.
Bakit may napahamak pa dahil sa akin, hindi pa ba sapat ang sunod-sunod na iiwan ako ng magulang. Bakit kailangan pang dumamay ng iba?
Napahawak ako sa aking bibig at pinigilan ang malakas na hagulgol na aking mailabas.
Naramdam ko ang paghaplos ni Lola sa aking likod.
“Tahan na, maging matatag ka iha. Tama na sa pag-iyak. Hindi magugustuhan ng taong tumulong sa 'yo na umiiyak ka. Iniligtas ka niya at gusto ka niyang maging masaya."
Napatigil ako at hinarap siya.
“T-talaga po ba? Pero, sana hindi niya na lang ginawa iyon —" hindi ko na matapos ang aking sasabihin pa nang pinatigil niya ako.
“Huwag mo sabihin iyan, iyon ang desisyon niya ang iligtas at tulungan ka kaya dapat huwag mo sayangin ang pagkakataon na ginawa niya iyon."
Ang hirap tanggapin ang nangyari pero sa tingin ko tama si Lola. Tumahan na ako sa pag-iyak at pinunasan ang aking pisngi.
Kailangan ko siyang puntahan, gusto ko siyang makita at malaman kung ligtas lang ba siya.
“Aalis po ako at huwag po kayong mag-aalala babalik po ako dito!"
“Iha, ika'y hindi p'wedeng pumunta roon dahil kung sakaling malaman at ika'y makita nila ay iimbestigahan ka, hindi ka makakauwi sa inyo. Mas mabuti na iyon na nandito ka iha!"
Tama siya iyon ang mangyayari pero hindi ako nakinig sa kaniya. Nagpupumilit akong umalis at walang siyang nagawa kundi ang pumayag din.
Sumakay agad ako sa taxi at para hindi ako makita ng mga police na nag-i-investigate.
“Manong sa Hikey Hospital po at pakibilisan po ng konti!" Kailangan ko siyang makita pero paano si Mommy.
Malapit na mag 4 nang hapon at hindi ko alam kung maabutan ko ba si Mommy.
Ayaw ko ng umiyak at ayaw ko na ring walang ginagawa sa buhay ko. Ayaw kong magmukmok lang sa bahay at nagdadalamhati sa pang-iiwan ng magulang ko sa akin mas may importante akong pagtuunan ng pansin ngayon. Kailangan niya ako!
Nang makarating ako sa hospital ay agad akong bumaba at nagbayad. Dala-dala ko pa rin ang aking school bag.
Lakad at takbo ang ginawa ko kahit medyo sumasakit ang aking paa, para lang mas madali akong makapunta sa room na kung saan siya naka-confine ay pinagsasawalang bahala ko na lang ito.
Nang makarating ako sa room na kung saan ako tumuloy kanina ay may mga tao sa harap ng kanilang kuwarto. Ang kuwarto na alam ko kung nasan siya ngayon.
Hindi ko alam kung paano siya makikita at napag-isipan ko na lang na maghintay dito hanggang sa umalis sila.
Hindi naman nagtagal ay umalis nga sila, salamat naman at pinagbigyan ng panginoon ang aking hiling.
“Mga hangal! Bakit nandito pa kayo? Mga walang hiya, umalis kayo!" sigaw ng babae sa dalawang mag-ina habang kinakaladkad ang mga ito.
Sa tingin ko Mommy niya ang babaeng iyon.
The woman is keep on shouting. Itinataboy niya ang mag-ina. Sino sila? Ano ang kanilang kinalaman?
Tuluyan na nga silang umalis kasama ang sa tingin kong Mommy niya. May oras at pagkakataon akong makita siya at hindi ko na sinayang ito. Lumapit ako sa may pintuan at sumilip.
I saw him lying peacefully on bed. Dapat ako ang nando'n nakahiga at hindi siya. Walang tao sa loob pero natatakot akong pumasok at hindi ko alam kung bakit.
Naluluha na naman ako and the same time natatakot. Paano kung hindi siya magising? Gusto kong lumapit at yakapin siya ng mahigpit pero para akong naiistatwa sa aking kinatatayuan ngayon.
Hindi ko naman maikakaila na ginusto ko at masaya ako dahil buhay pa ako ngayon pero hindi sa ganitong situwasyon. Hindi sa situwasyon na may nadadamay na ibang tao.
“I'm a-alive because of you...w-what should I do to wake you up? Thank you for saving me..and I'm really sorry for what happen," I said with a low tone voice while my tears is falling in both my cheeks again.
I will surely help you too..I'm going to do what I need to. Maybe, I can choose you between mom, dad or everything on this Earth. Your going to be one of the especial person in my life. The person who owned my life now.
“You save me! Thank you..and please wake up..."
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at umiyak na ako ng malakas. Nanghihina na naman ako at mauupo sana sa sahig nang may bigla humawak sa aking braso.
“Probably it's you! Right?" It's the girl who surely his mom the one who grab me and shouted.
“I'm going to make sure that you will be in jail forever!"